Chapter 24: Kapitana

739 47 10
                                    


C24: Kapitana

SM's P. O. V

NAPAPA-ILING ILING AKO habang nakatingin sa dalawang lokonians na ngayon ay bagsak sa kanilang lamesa.

Pag dating na pag dating nilang dalawa ay parang mga halo na hindi nakakita ng tao at deristo sa lamesa ar boom! Taob! Very good! Alak pa more!

Dumating ang Chili at Cameron na parang mga pinag bagsakan ng langit at Lupa ang mga mukha at mukhang nahihilo pa! Muntik pa silang lumagpas sa classroom namin mabuti at nahila nila Shawn. At yung mga school polo nila ay wala wala pa sa pagkakabutones kaya napapailing-iling nalang ako.

"Hoy! Chili uminom ka ng mainit na tubig oh!." Utos ko dito sa batang nag fefeeling matanda.

"Hi-hindi ako si C-ch-chili! Si Bumblebee ako! *hik!*." Iling iling na sagot nito saakin na nagpatawa kela Shawn at Zaden.

"Yan! Kabahan ka na SM nag tatransfer yan sa pagiging Robot! Siya si Bumblebee hahahhaha!!." Pagtawa nila Clint na mukhang good mood pa! Halatang sanay sa inoman ang Kuya niyo!

Agad naman akong napabaling kay Cameron na tulog na tulog na nakadukdok sa lamesa niya, Kaya agad ko itong tinapik tapik sa balikat upang painomin rin ng mainit na tubig na binili ko sa canteen kanina lang.

Yung iba narito na yung lima nalang ang wala! Ang Presidente! Si Afxel, Sixto, Lucas at Blake! Kung sino pa ang Presidente siya pa ang late! Mabuti pa tong si Thunder at running for President' pa ang nauna!

"Cameron! Gising inumin mo na to oh!." Tawag ko rito at pinakita pa ang isang bottle na may mainit na tubig.

"Hmmm.." Tanging sagot niya saakin.

"Isa! Pag hindi ka jan tumayo ay ibubuhos ko to sayo! Punyemas! Uminom inom kayo tas gaganyan ganya kayo!." Bulyaw ko sakanya kaya napadilat ito pero tangvna yung isang mata lang dinilat!

"Mamaya na Bella! A-antok pa ako!."

"Cameron!."

"Hindi ako si C-cam-meron! Si ano ako! Si Nobita ako!." Sagot niya saakin sabay subsob sa lamesa.

Nag usok naman ang ilong ko at lalo pa akong nainis sa pagtawanan ng mga lokonians!

"Yun oh! Si Nobita raw siya! Napaghahalataan rin na gustong maka partner si Doraemon!." Hiyaw ni Train.

"Putcha hahaha!." Shawn.

"Tangina talaga ang mga nagyayari sakanila pag nalalasing!." Zaden.

Agad akong napatayo at padabog na tumayo sa harapan at nakita kong napatingin saakin si Thunder at tinaasan ako ng kilay pero dinedma ko lang siya at agad kong kinuha ang mahiwagang Pito ko at may initial ko pa dun S M!

Agad ko yung ihinipan at napakalakas ng tunog nun kesa sa mga ordinaryong pito di ko lang alam kung saan to nakuha ni Kuya Jace.

Agad naman napabangon sila Chili at Cameron na ngayon ay dilat na dilat na. Natahimik rin ang paligid habang si Thunder naman ay nakakunot-noong nakatingin sa akin—— o kung mas tamang sabihin sa hawak kong pito na parang may inaalala. Siguro yung nangyari nung sa pagbabalik niya dito sa Section Eix.

Ang Binibini Ng Section EixWo Geschichten leben. Entdecke jetzt