4

607 19 5
                                    

"Hello mommy, kumusta po si Dewy ko? Umiiyak pa po ba?"

Ito ang unang araw ko bilang manager sa main branch ng supermarket namin. Ito rin ang unang beses na mahihiwalay sa akin si Amadeus dahil lagi ko s'yang kasama sa cafe. Iyak nang iyak ito kanina bago ako umalis, ayaw magpaiwan. Ayoko na nga umalis kanina at naaawa ako sa anak ko kaso kailangan. Sila mommy muna ang nagbabantay sakan'ya.

"Natutulog anak. Napagod ata kakaiyak."

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi ni mommy. My poor Dewy.

"Sabihin n'yo po sa akin pag-umiyak nanaman ha. Uuwi po talaga ako o kaya ihatid n'yo nalang po rito."

Mom chuckled. "I didn't expect you to be like this, anak. You're such a lovely mom. Sige, anak. Good luck sa first day!" Pag cheer nito bago binaba ang tawag.

Napabuntong hininga naman ako, iniisip ang anak ko pa rin kaya tinext ko si mommy na ihatid dito sa supermarket si Dewy dahil may office naman ako sa third floor.

Nag-angat ako ng tingin ng may kumatok at bumukas ang pinto ng opisina ko.

"Ma'am dumating na po 'yung mga beverages na inorder natin sa supplier po."

Ngumiti naman ako at tumango. "Sige, susunod na ako. Salamat."

Inayos ko lang ang itsura ko bago ako sumunod pababa sa ground floor para icheck kung kumpleto ba ang order namin.

"Hi. I'm Ciello, the new manager."

"Good morning po ma'am, eto po 'yung listahan ng order n'yo."

Kinuha ko naman ang listahan ang chineck ang mga order namin na nakalista at ang mga dala nila. Napakunot ang noo ko ng makita na may kulang.

"Excuse me, may nakalista kami ritong 10 boxes of Vereci drinks juice flavor orange, apple, grapes, strawberry, melon, and lemon pero orange lang ang dala n'yo."

Napakamot naman ito sa ulo n'ya. "Taga-deliver lang po ako ma'am, hindi ko po alam na kulang 'yung nilagay nila sa truck ko."

"Hindi mo ba chinecheck? Diba dapat chinecheck n'yo 'yan bago kayo umalis?"

Kalmado ko naman s'yang tinatanong pero nakikita kong pinagpapawisan na s'ya.

"Kayo ba Maricel chinecheck n'yo mga deliveries nila sa atin dati?"

Ngayon naman ay ang supervisor na namin ang tinatanong ko.

"Ma'am tiwala naman po kami sakanila kaya hindi na po namin chinecheck." Nakayuko nito sabi.

Lalong nangunot ang noo ko. Kaya pala ng makita ko ang report at dinouble check ko ay may mga kulang.

"We'll talk later, Maricel." Seryoso kong sabi dahil sa ideyang namumuo sa ulo ko.

"Nasaan ang manager mo? Gusto ko s'yang makausap about sa kulang n'yong dala."

"Ahm, kasama po namin ang boss namin--"

"Good. Sige, s'ya nalang ang kakausapin ko. Nasaan ang boss mo?"

"Nasa truck po."

Tumango ako at taas noong naglakad palabas papunta sa pinagparadahan nila ng truck. Nakita ko kaagad ang truck nila dahil ang laki ng sulat na Vereci sa gilid nito.

Kinatok ko naman ang passenger seat na sa tingin ko ay uupuan ng boss nila.

Naka-limang katok ako ay walang nagbubukas, sobrang init pa dahil katanghaliang tapat kaya nag-iinit na rin ang ulo ko.

Binalingan ko 'yung nagdeliver sa amin. Napapitlag pa ito sa gulat ng tawagin ko.

"Ikaw. Tawagin mo ang boss mo."

Love At First ThrustWhere stories live. Discover now