5

614 19 0
                                    

"Amadeus, pag sinabi ni mama na huwag lalabas, huwag kang lalabas ha. Behave ka lang doon kase need ni mama magwork."

Paulit-ulit na pangaral ko sa anak ko habang binibihisan s'ya. Nag-umpisa nanamang umiyak kanina noong sinabi ko na hindi ko s'ya isasama at nag tantrums pa! Juskong bata 'to!

"Here. Wear your cap to stay gwapo." Pang-uuto ko pa.

Sinuot naman nito ang cap n'ya at excited na excited na nauna ng bumaba sa akin kaya natawa naman ako.

Kagabi ko pa pinag-iisipan baka makita si Dewy pero hindi ko naman s'ya tinatago-- sa isang tao ko lang naman s'ya tinatago. I'm proud to have my son.

Hinatid lang kami ni daddy ngayon dahil pinapalinis ko 'yung sasakyan ko. Buhat-buhat ko naman si Amadeus habang naglalakad papunta sa office ko.

Nakasalubong ko pa si Maricel na nag-iikot kaya naman pinakilala ko si Amadeus na anak ko. Hindi pa ito makapaniwala noong una pero sinabi kong single mom ako kaya kumaway lang kay Dewy bago bumalik sa pag-iikot.

Pagkarating sa office ay naghila ako ng isang upuan sa tabi ng swivel chair ko para roon paupuin ang anak ko.

"Here, your coloring book and crayons, pag nagugutom ka tell mama ha. Work lang ako, anak."

"Yes mama!" Masigla nitong tugon bago tinuon ang buong atensyon sa coloring book at nag-umpisang magkulay. Hinalikan ko lang s'ya sa noo bago umupo at inumpisahan ang trabaho ko.

I glanced at my son every minute but he stay busy coloring his book and being behave while cutely swinging his foot.

Nagbebreak ako for 5 minutes para bigyan ng snack si Dewy pagkatapos ay pareho kaming babalik sa ginagawa namin until lunch.

Narinig ko ang mahinang katok sa pinto. Sa isiping baka si Maricel 'yon ay agad ko itong sinabihan na pumasok.

"Ma'am, lunch na po tayo? Hi baby!" Lumapit ito at kinurot ang pisnge ni Dewy bahagya na agad naman kinasimangot ng anak ko pero nanatiling tahimik.

Natawa nalang ako dahil ayaw talaga ni Dewy na pinipisil ang pisnge n'ya pero dahil ibang tao ang kaharap n'ya ay hindi s'ya nagrereklamo. Ganyan ka behave ang anak ko which is hindi n'ya namana sa akin.

"Nagpadeliver nalang ako rito sa office. Dito nalang tayo kumain." Sabi ko sakan'ya na agad naman n'yang sinang-ayunan at nakipag laro kay Dewy habang naghihintay ng pagkain.

Nakareceived ako ng text mula sa delivery boy na nasa baba na s'ya kaya tumayo ako.

"Maricel paki bantayan muna si Amadeus ha. Kukunin ko lang 'yung pagkain natin. Dewy, behave with tita Maricel ha."

"Yes, mama."

Nakikita ko naman na comfortable na s'ya kahit papaano kay Maricel kaya napangiti ako bago lumabas ng office pero napaatras din ng muntik na akong mabunggo sa dibdib ni Aries.

"Anong ginagawa mo rito?!"

Medyo napalakas ang boses ko dahil sa kaba. Isiping pinto lang ang pagitan ng mag-ama.

Nakakunot noo itong nagsalita.

"I told you, I will visit today."

"Bakit?"

He crossed his arms on his chest. "We will discuss about the conspiracy between my employee and yours."

Hinawakan ko ang door knob para hindi s'ya makapasok.

"Hindi ako pwede ngayon. Busy ako. May visitor ako." Pagdadahilan ko.

"Okay. I'll wait here."

"No. May meeting ako after."

Love At First ThrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon