21

487 17 0
                                    

"Aries! 'Yung ref iniwan mo na namang nakabukas!"

Umagang-umaga ay nagsesermon na ako. Ganito na ata talaga ang routine ko tuwing umaga.

Aries hug me from behind which startled me.

"Sorry na, I forgot again. Don't be mad huh?"

Napairap nalang ako para pigilan ang kilig na nararamdaman ko.

"Mahal ang kuryente ngayon, kahit marami kang pera pambayad hindi pa rin pwede na nag-aaksaya ka ng kuryente." Nakatagilid ang ulo ko paharap dito.

"Bakit mahal?"

"Binalita kagabi na magtataas ng kuryente kaya ganon mahal."

May ngiti itong sinusupil. "Ganoon ba mahal?"

Tinampal ko ang braso nito na nakayakap sa akin at natawa.

"Tigilan mo ko. Inuuto mo ko ha."

He chuckled. "Mahal nga eh."

"Mama, papa?"

Narinig namin ang boses ni Dewy mula sa taas.

"Gising na si Dewy. Kunin mo na para makapag breakfast na tayo." Utos ko.

Sumaludo ito. "Yes...mahal." tumatawa itong tumakbo dahil inakmaan ko ng sandok.

What's with him? He's being flirty today.

"Good morning, mama!" Dewy kissed me on the cheeks. Akmang kikiss din si Aries kaya naman inakmaan ko ulit ng sandok na tinawanan lang nito.

"Here, three pancakes for my love, Dewy." Nilagyan ko rin ng chocolate syrup ito dahil 'yung ang gusto niya sa pancake.

Uupo na sana ako ng may mapansin akong tuta sa harap ko.

"What?"

"Where's my pancake?"

Tinignan ko naman ang pancake sa lamesa at abot naman niya iyon kaya binalik ko ang tingin ko rito. Nakatingin pa rin ito sa akin.

I sighed. I forgot, he's another baby.

Pagkalagay ko ng pancake sa plato nito ay masaya itong kumain na at nakipag-kwentuhan sa anak.

Napailing naman ako. Lagi nalang akong out of place sa dalawa na 'to basta nag-usap na.

"Dewy, ihahatid ka namin kila tito Eze mo around 6 ha? Behave ka lang doon. Don't eat too much sweet, Amadeus." I gave him a warning tone.

He just smiled at me cutely.

Napailing nalang ako dahil alam ko namang makulit ang anak ko pero mas dumoble ang kulit dahil sa tatay niya. Iniispoiled kase.

"Why are you glaring at me again? What did I do?" Inosenteng tanong ni Aries.

Umiling lang ako at napabuntong hininga.

Nagkatinginan naman silang mag-ama and shrugged their shoulders.

Pagkatapos kumain ay pinaliguan na ni Aries si Dewy.

Kakatapos ko lang maglinis ng kusina kaya naman chineck ko muna ang social media ko habang wala pa 'yung dalawang makulit.

I saw a message on our group chat.

Nabasa ko lang ang message ni Ferds na pinapaalala ang party niya. Mababaog daw ang hindi pumunta.

Napailing nalang ako. Hindi ko nga alam kung bakit bigla siyang magpapaparty. Hindi naman niya birthday at lalong hindi birthday ni Dewy.

"Mama! Where's my polo?" Narinig kong sigaw ni Dewy mula sa taas.

Love At First ThrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon