Part 1

10.6K 197 8
                                    

"Ayoko na talagang uminom!" sabi ni Kent habang hawak-hawak niya ang ulo.

Isa si Ken sa mga barkada ko since pumasok ako ng high school, at ngayong mag se-senior na kami, sila pa din ang kasa-kasama ko sa lahat ng kalokohan, kasama din si Alyssa, Ana at Marco.

"Sus! Ilang beses mo ng sinabi yan ha aber?! Bukas pag hulas ka na, pustahan tayo iinom ka ulit." natatawang sabi ni Marco.

"Alexa, gusto mo ng coffee?" offer saken ni Marco.

Nanligaw saken si Marco, pogi naman siya at mayaman, mabait din, pero ayoko kasi  siyang taluhin dahil para sa akin, ang kaibigan ay kaibigan, at ayokong masira yun.

"No, thanks. Water nalang." Ngumiti ako ng medyo malandi.

Sumunod naman agad si Marco.

Hindi maikakaila na mahilig akong mang flirt, pero hindi ako basta nagkakagusto. Marami na akong naging boyfriends, pero dalawa lang sa kanila ang naging seryoso, the rest, ewan ko ba kung bakit ko sila sinagot.

"Hey! Invited tayo sa house party ni Troy bukas ng gabi, ano sasama kayo?" si Ana.

"Nanaman? Wala na bang ibang pwedeng gawin aside sa pag iinom?" sabi naman ni Alyssa.

"Basta ako, ayoko na." ani Kent habang naka frowned face.

"Wala namang namimilit sayo e! Ano Lex, sama ka?"

"Sige ba. Kelan ba ako tumanggi?"

"Kaya kami'y sayo Lex e! lagi kang go. So bukas guys ha."

Obvious naman si Marco na kuntento na basta kasama ako, kahit wala na silang lahat basta pumayag ako e masaya na din siya. One time nga na hindi ako sumama, biruin mong i-boycot ba naman ung painom sna niya dahil wala naman daw ako kaya worthless daw kung mag aaksaya lang siya ng pera. Minsan nag tatampo na ung iba sa kanya pero ayos na din sa kanila dahil patay na patay lang daw kasi ito saken, hindi naman sa pag mamayabang,

After naming mag breakfast, nagsiuwian na din kami. Buti nalang summer kaya wala kaming iniintinding pasok, makakatulog kami ng maayos kesa sa room natutulog, ang sakit kaya sa likod yumuko.

Pagbaba ko ng kotse, nakasalubong na ang isa naming katulong saken.

"Ma'am Alexa, kagabi pa po kayo hinahanap ng mommy at daddy niyo." halatang may takot sa mata ng katulong.

"Good morning ate." bati lang ang iginanti ko dito.

Actually, wala na saken kung galit sila mom and dad saken, sanay na ako, lilipas din naman yun.

Dire-diretso ako ng pagpasok ng bahay ng marinig kong magsalita si daddy mula sa sala.

"Where have you been young lady?" may galit sa tono ng boses nito.

"Good morning din sayo dad. Good morning mommy." ngumiti ako sa kanila at patuloy pa din na naglakad sa may hagdan paakyat ng kwarto.

"Wala ka na ba talagang balak na magtino? Kababae mong tao umaga ka na kung umuwi!" sabi pa ni daddy. "Alam mo kung anong kaya kong gawin Alexandra!" At ngayon mas galit na ang tono niya.

"Dad pagod ako."

Wala ako sa mood makinig sa sermon nila dahil kahit ako may hangover pa din.

 "This has to stop Alexa! Pagod na ako ng paulit-ulit sayo. Maawa ka naman sa amin ng mommy mo. tumatanda na kami, wala kaming ibang pag iiwan ng negosyo natin kundi ikaw, pero paano kami mapapanatag ang loob kung ikaw na nga na nag iisa naming anak ay hindi interesadong tulungan kami?"

"Dad, ayoko ng negosyo natin. Maghanap na lang kayo ng ibang magmamana niyan, wag na ako."

Simple lang naman ang buhay na gusto ko, ayoko ng complicated things and big responsibilities. 

"No! Ang lahat ng ito ay para sayo, whether you like it or not! And for my plans to happen, i will be sending you to a dorm school, at hindi ka aalis dun hanggat hindi ka nagtitino!"

"What?! Dad, you can't do this to me!" 

Hindi ko gustong pumasok sa isang boring school na yun! At siguradong halos lahat ng gusto kong gawin ay hindi ko na magagawa doon. 

"My decision is final! Sa pasukan, dun ka na papasok!" Tumalikod na sila mom and dad at umalis, naiwan akong tulala at nanlalambot.

I can't go there, i will never survive that hell!

=========================================

Sinulit ko ang mga araw ng summer dahil wala na ding nakapag pabago ng isip ni daddy para hindi ako papasukin sa dorm school for girls na yun. Kahit si mommy, hindi niya kinaya si daddy.

"Anak, i will miss you. I'm sorry I can't do anything about it."

Naiintindihan ko naman si mommy, pag talaga si daddy ang nag desisyon, wala ng makakapigil dito. Kahit malungkot na maiiwan ko sila mommy dito pati na din ang barkada ko at lahat ng mga gawain kong siguradong hindi ko na pwede gawin dun.

"Its okay mom, kasalanan ko naman lahat to." niyakap ko ng mahigpit si mommy, ngayon lang kasi ako malalayo sa kanya ng ganito katagal.

=========================================

Lumipas ang ilang linggo, summer is over.

Maraming bagay ang nakakalungkot ngayon. Now i have to leave para sa pasukan, at sa isang malayong school ako papasok ngayon. 

Nakapagpaalam na ako sa barkada ko, syempre puro tanong sila kung bakit, kung may paraan pa daw ba at syempre sobrang lungkot nila dahil kulang na ang barkada, lalo na si Marco. Binigyan ko nalang siya ng farewell kiss sa pisngi para manlang mabawasan ang lungkot niya. Mahal ko din naman si Marco, yun nga lang bilang kaibigan lamang.

==========================================

Thank you so much! <3

Keep reading :))

 

A Beautiful Mistake (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon