Part 2

6.8K 195 24
                                    

"Harry Pota! Is this Hogwarts?!"

"Watch your mouth Alexa. This is your new school, act properly."

Nanlulumo akong dinampot ang dala kong bags. Isang luggage lng at isang bagpack lang ang dala ko, hindi naman ako maarte sa gamit, maluho lang.

"I hope magtanda ka na dito! Remember, no help will come to you unless you have learned your lessons. I'm sorry i had to do this Alexa, but you gave me no choice. Take care." hinalikan ako ni daddy sa forehead at sumakay na ulit ng kotse.

Napatingin pa ulit ako sa kabuuan na school. "Shit! Hogwarts talaga...." nag lakad na ako papasok ng building. "San ko kaya makikita si Hagrid?" tanong ko sa sarili.

========================================

Bago pa man ako makapasok ng school, may sumalubong na sakin, isang matandang babae na halatang nuknukan ng sungit!

"Where is your paper?" tanong sakin ng girl version ni professor Snape.

"What paper ma'am?" clueless na tanong ko.

"Your enrolment paper!" pagtataray nito.

"Oh, I see. Sorry po." Agad ko namang inabot yung papel galing sa bag ko.

"This way, follow me." naglakad na ito papasok. wala ng mga students na pakalat-kalat, siguro late na akong dumating.

Hindi ko na naiintindihan ung mga pinagsasabi sakin ng matandang to dahil walang tigil kung magsalita.

"You should always wear your proper school uniform from 8 am to 6 pm, school hours. Bed time is at 9. Breakfast is serve at 7, lunch is at 11, and dinner is at 7pm..." etc... "Understood?"

Nagulat ako sa pag sigaw nito, pero agad din naman akong sumagot. "Yes, I get it."

"That's not a proper young lady should answer!"

"Yes... ma'am...?"

Napailing nalang yung matanda at binuksan ang isang pinto.

Hindi ko napansin na nadnto na pala kami.

"Room 214. This is your room."

Pagbukas ng pinto, meron siyang dalawang kama, dalawang side table na may lamp shades at ung isa ay halatang occupied na.

"Meron kang roommate dito, siya si Lyra Alfonso. Ayusin mo na ang gamit mo at magprepare para sa dinner, its almost 7. Dumiretso ka nalang ng dining area after mong mag ayos."

"Yes ma'am!" with matching stomp pa na feet together.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Mrs. Snape at umalis na din.

Yes.. siya si Mrs. Snape from now on... bagay naman sa kanya. hahaha.

Nasaan kaya ung roommate ko? hmmm.... mukhang girly girl yun ah.. puro pink ang gamit niya, from her bedsheet up to her things.

Sinumulan ko ng ayusin yung gamit ko. Nag labas na din ako ng isusuot kong damit para sa dinner. Maliligo muna ako bago magbihis kaya after kong mag ayos, pumasok na ako ng c.r.

Binuksan ko na ang shower, malamig ang tubig kaya naman binuhay ko ung heater at nilagay ko sa warm water. Natapos na akong maligo at wala pa din ung ka-roommate ko, gusto ko sanang makipagkilala na dahil wala akong kasama. pero natapos na ako at dinner na, wala pa din siya kaya nagdesisyon na akong pumunta mag isa ng dining area.

Pag dating ko dun ay kita ko na ang mga estudyante. Hindi ko alam kung san ako uupo kaya pinili ko yung dulong upuan.

May isang bukod na table para sa mga faculty members at mga officers na students i guess. Dahil mga nkauniform sila kaya obviously mga students din sila, and nakaupo sila sa teacher's table kaya probably din namay katungkulan sila sa school. Madalas naman ganun diba kapag nakakapanuod ka ng mga movies na ang plot ay sa dorm shool.

"Good evening students." Greeting ng principal. "Welcome to Aspen Academy. I am Mrs. Helen Darby, you can call me Ma'am Darby. At para sa mga old students, thank you for staying and trusting this school, at para naman sa mga new students, we welcome you and we hope na ma-enjoy niyo ang way ng academics namin dito."

Nagpalakpakan naman ang mga students, pumalakpak na din naman ako.

Para pa din tlaga akong out of this world. Hindi ko pa din alam ang gagawin ko, nakakpanibago. Ang daming tao, pero most of them, papakisamahan mo dahil nasa iisang building lang kayo, lahat e schoolmates ko. Napatigil ako sa pag iisip ng magsalita ulit ung principal.

"I would also like to introduce our officers, they were elected a year before ang taon na to, that is the policy in this school, to elect officers for the next school year."

Isang babae ang pinatayo niya.

Ang ganda niya ha.

"She is Ms. Lyra Alfonso, Senior student, ang inyong magiging President. Lyra..." tinawag niya ito at pinagsalita.

"Good evening. I am Lyra Alfonso and i will be your new president, i hope that we all get along well. Nice to meet you all and thank you." umupo na ito at kasunod namang ipinakilala ang iba pang officers pero hindi na ako interested. Hindi na naalis ang mata ko sa Lyra na yun.

Wait!.... L-Lyra.... Alfonso?? Siya ung roommate ko?!

========================================

Basa lang ng basa mga tropa :) salamat.

A Beautiful Mistake (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon