Part 6

5.4K 176 27
                                    

========================================

The sincerity in her eyes..... "Importante ka din naman saken Lyra e."

Nagiging masaya ako pag kasama ko sya, nawawala ang pagkainip ko pag katabi ko sya, nababawasan ang pag iisip ko dahil lagi ko ng nakikita ang taong laman ng utak ko. Damn! Ganito pa ba ang girl crush?!

"Really Lex? Thank you for coming into my life. You are like a sister to me, i always wanted one." niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.

Imbes na matuwa ako or kiligin, hindi ko nagawa. Sister?? Yun ang tingin niya saken? kapatid?! Muntik na akong magsalita beyond that, napaka assumera ko lng naman pala. 

Hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot, parang lahat ng excitement na nararamdaman ko kanina ay nawala. Gusto ko na siya pero hindi pwede. Hanggang kapatid lang ang kaya nitong ibigay saken.

"Lex...." kaway niya sa harapan ng mukha ko. "may problema ba? Bakit bigla kang nawala sa mood, may nasabi ba ako?" nag aalalang tanong ni Lyra.

"Wala naman, parang nakaramdam lang ako ng antok." pagsisinungaling ko. Ayoko naman sanang maging ganito ngayon kasi nag effort pa siyang dalhin ako dito tapos tsaka naman ako tinopak ng kadramahan ko. 

"Gusto mo bang bumalik na tayo sa Apen?" nagaalalang tanong nito.

"Sayang naman ung pagtakas naten at ung effort mo kung magpapaka Kj ako."

"Hindi naman ah, ayos lang. Masaya na akong nadala kita dito, and anytime na gustuhin mong bumalik basta makakatakas tayo or free tayo, dadalhin ulit kita dito. Basta sana next time, hindi ka na aantukin no!" nginitian niya ako at pinisil ang kamay ko.

Bakit ba sa kanya pa ako nagkagusto? Habang tumatagal nahihirapan na akong itago. Nakakaramdam na ako ngayon ng pag iinit pag mlapit sa kanya. Ang mga labi niya... parang nanunukso, parang napakasarap halikan.....Magtigil ka na nga Alexa! Kahit kelan hindi mangyayari ang gusto mo! Kapatid lang ang tingin niya sayo.

Hindi ganun kasarado ang utak ko, ako ung tipo ng tao na go-with-the-flow, kung yun ang magpapasaya sa akin, tumitigil lang ako pag may ibang masasaktan.

========================================

Nkabalik na kami ng school. Wala namang nakapansin sa amin haggang sa makapasok na kami ng kwarto. Hindi nanaman binitawan ni Lyra ung kamay ko papasok ng kwarto.

Naguguluhan na talaga ang puso ko sa kakaibang nararamdaman ko, gusto kong umamin sa kanya pero baka mandiri siya at magalit sa akin, mas okay pang malayo siya kesa kamuhian niya ako.

Natulog na din si Lyra pag balik namin pero ako, kanina pa ako nakahiga, pero hindi pa din ako dindalaw ng antok. Siguro mga alas dos na ako nkatulog.

========================================

Pag gising ko, naligo na ako at nag  bihis. Wala nanaman si Lyra, marahil ay tinawag siya ng principal. 

Ang tagal ko na pala dito, malapit na akong mag 7 months sa lugar na ito, parang hindi ko naman napansin, dahil na din nga siguro mas pagiging busy ko pag kasama ko si Lyra, para na nga akong asong buntot ng buntot sa kanya, minsan naman nahahawaan ako  ng kasipagan niya pag aaral, kaso lagi pa din tagilid ang grades ko.

Nag punta na akong dining area para mag breakfast. Nakita ko naman si Lyra kasama ang ibang officers at mga teachers, may hawak na mga papel ito kaya marahil ay busy sya ngayon. 

Hindi ko na siya hinintay na tumabi pa sa akin, sigurado akong may mga pinaguusapan sila doon.

Sa totoo lang, nakakaramdam pa din ako ng lungkot kasi hindi ko magawang sabihin ung gusto kong sabihin sa kanya, hindi kahit kailan.

"Huy Lex! Lalim ng iniisip mo ah." 

"Ay baklang palaka!!!" sigaw ko.

Nagulat ako ng bigla akong tabihan ni Lyra.

"Haha! Ano ba yan Lex."  Natatawang sabi nito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko naman sakanya.

"Malamang mag be-breakfast, bawal na ba akong tumabi sayo?" tumaas naman ang isang kilay nito habang nakangiti.

"Ah, hindi naman, kaso lang baka kse busy kayo tpos dito ka pa kakain sa tabi ko."

"Sus, hindi naman, may inayos lang akong paper works sa school. Tsaka hahayaan ba naman kitang kumain ng wala ako sa tabi mo?"

I felt flattered sa sinabi niya for a while. Sana lang she meant more.

"Ah sige, kain na tayo." magana akong kumain dahil katabi ko nanaman siya. Nababaliw na ata ako, baliw sa kanya.

========================================

"Nga pala Lex, anniversary ng school next week kaya may program, lahat ng sections kailangan may number o kaya kahit isa lang na representative." sabi saken ni Lyra.

"Hulaan ko pahirapan magpasali jn ano?"

"Yeah, turuan ang ending. Kung sinong magpresent, napilitan lang. Pero meron din namang makakapal ang mukhang nag pi-presenta." 

"Nakasali ka na ba jn?" intersado kong tanong sa kanya.

"Hindi, emcee ako lagi eh. Ikaw Lex, anong talent mo? Sumali ka kaya." 

"Wala akong talent, tsaka ayoko ng mga ganyan."

"Ayy, sige na Lex sali ka." Pagpupumilit nito. 

"Ikaw ba mag iintindi sa akin?"

"Meron naka-assign sa mga ganyan e, pero susuportahan naman kita." Ngumiti siya sa akin.

"Eh di ayoko."

"Che! Bahala ka nga." Ngumuso ito at itinuloy ang pag kain.

Ang cute nito. Natatawa nalang akong itinuloy din ang pagkain ko.

========================================

Guys! ramdam ko na, malapit na to. hahaha! xD

Vote din naman kayo pag may time, hindi ko kasi alam kung nagugustuhan niyo ito e.

A Beautiful Mistake (Complete)Where stories live. Discover now