Chapter 50

43.1K 1K 208
                                    

Anne Del Rio

PARANG sampung taon ang hinintay ko bago dumating ang gabi. Nakaligo na ako at nakabihis pero wala pa rin yong sinasabi ni Jillian na susundo sa akin. Tutubuan na ako ng ugat! Utang na loob Jillian! Nasaan ka ba?! Naiinip na ako.

“Miss Anne, Kumain muna po kayo ng dinner.”

“Utang na loob Manang punong puno na ng pagkain ang kwarto at daig ko na ang kamoteng tinutubuan ng ugat dito! Kung hindi dadating si Jillian uuwi na ako!” lumabas na ako at diretsong naglakad dito sa hallway palabas ng resort.

“Miss Anne, baka magalit po si Mam Jill pag lumabas kayo ng gate.”

Kahit para akong pilay maglakay dahil di pa tuluyang magaling ang paa ko pinilit ko pa ring marating ang gate.

“Miss Anne.” Tawag ulit sa akin pero hindi ako lumingon. Tuloy ako sa paglalakad.

“Hayaan mo siya Manang kung gusto niyang lumabas.”

Bubuksan ko na sana ang gate pero narinig ko si Jillian na nagsalita. Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses niya at nakita ko siyang nakatayo malapit sa akin. Hindi ko man lang siya napansin dahil sa kagustuhan kong makaalis na dito.

Nagkatitigan kami pero halatang hindi naman niya ako pipigilan kahit lumabas pa ako.

Pero okay lang. Ang mahalaga alam kong nasa maayos siyang kalagayan. Hindi siya napaano.

Umiwas na ako ng tingin at tuluyan na akong lumabas ng gate.

Pagdating ko dito sa gilid ng kalsada agad akong nag-abang ng taxi.

“Pinaiiral mo na naman yang pagiging masungit mo.”

Nakasunod na pala siya sa akin.

“Wala naman sayo kahit magsungit ako, kahit maging mabait ako wala pa rin sayo. Kahit anong gawin ko Jillian wala na sayo! Sobra ka na!” sigaw ko sa kanya saka ko siya itinulak nong magtangka siyang hawakan ang braso ko.“Ibang iba ka na. Hindi na ikaw yong bakulaw na minahal ko. Yong bakulaw na hindi ako pinapaiyak. Yong bakulaw na….na laging nagpapalakas ng loob ko. Hindi na ikaw ‘yon!”

Iyak ako ng iyak dito sa gilid ng daan. Manhid na ba talaga ang puso niya? O talagang wala lang akong halaga para sa kanya kaya maging ang nararamdaman ko ay hindi na rin mahalaga pa para sa kanya?

Huminga ako ng malalim para maibsan ang sakit na nararamdaman ng aking puso.

Magpapara na ako ng taxi nong pigilan niya ang kamay ko.

“Ang hinihiling ko lang sayo ay maghintay ka na sunduin ka. Pero hindi ka makapag hintay, pinapairal mo na naman ang kasungitan mo.”

“Dahil naiinip na kasi ako. Napapagod na akong mag-isa.”

“Bumalik ka na sa kwarto, susunod ako sayo.”

Natigilan tuloy ako sa pag iyak dahil sa sinabi niya.

“Hindi ka na naman ba susunod sa sinabi ko?”

“Masakit na kasi ang paa ko….” Reklamo ko sa kanya.

“Hay! Sige na, ihahatid na kita.”

Lumuhod ulit siya sa harapan ko at sumampa na ako sa likod niya.

Nag iinarte ako dahil ito lang ang paraan para mayakap ko ulit si Jillian. Sobra na akong nagtatampo sa kanya kasi parang balewala na talaga ako sa kanya.

“Kapag sinabi kong magpahinga ka. Kailangan sundin mo ako.”

“Oo.” pag sang ayon ko sa kanya habang buhat niya ako dito sa likuran niya.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon