Chapter 5

89.6K 1K 56
                                    

Anne Del Rio

Magiging busy na ako ngayon, sa pag-aaral at trabaho. Kumpleto na lahat ng requirements ko at mag-i-start na ako sa training next week.

"Anne!"

Hmm? Pag lingon ko si Jean.

"Shhhhh" yong librarian.

Isigaw ba naman kasi ni Jean yong pangalan ko e andito ako sa library.

"Sorry po" sabi ni Jean saka lumapit sakin.

"Jean bakit andito ka? Akala ko may praktis kayo?" mahina lang yong boses ko para di kami pagalitan ng librarian.

"Tara Anne may pupuntahan tayo."

"Ha? Saglit may kailang-an pa ak-ong-" hindi ko na naituloy yong sinasabi ko dahil kinaladkad na niya ako palabas ng library.

San ba kami pupunta?

"Sakay na Anne!" halos itulak ako papasok ng sasakyan netong si Jean.

"Hi Babe." Si Jillian? Pati si Jo andito din sa loob ng sasakyan.

"Saglit san ba-"

"Tara Jo!" sabi ni Jean saka pinaandar ni Jo tong sasakyan.

Ano na naman ba to?

Buti nalang wala kaming klase ngayon dahil may Program.

"Jillian san ba tayo pupunta?"

"Diyan lang babe." saka niya hinawakan ng mahigpit yong kamay ko. Nagbyahe na kami pero ilang saglit lang tumigil din tong sasakyan. Lumabas na si Jo at si Jean.

"Tara babe" hinila na ako ni Jillian palabas ng Van.

Napakunot noo ako. Nong may mapansin ako.

Anong ginagawa namin dito sa Munisipiyo? Nauna ng naglakad yong dalawa. Nakasunod naman kami ni Jillian.

"Jillian? Anong gagawin natin dito?"

"Shhhh babe wag kang maingay" sabi niya saka tinakpan ng isang daliri niya tong bibig ko.

Napapakunot noo talaga ako.

Andito na kami sa harapan ng malaking pinto. Parang gawa sa Narra. Ewan di ako sure. Basta kulay brown yong pintuan.

Kumatok na si Jean saka pumasok. After five minutes lumabas ulit siya.

"Anne tara sa loob?"

"Ha? Ako?" tinuro ko pa talaga tong sarili ko.

"Yep." tumingin ako kay Jillian at Jo para humingi ng kasagutan bat kami andito kaso ngumiti at tumango lang silang dalawa.

Wala na akong nagawa nong hilain ako ni Jean papasok sa malaking pinto.

"Jean ano bang meron? Bakit tayo andito?"

Hindi niya ako pinansin deretso lang siya ng lakad. Saka tumigil.

"Anne galingan mo sa exam ha para pag nakapasa ka one hundred percent discount na sa tuition fee mo. Alam kong kaya mo to!"

"Ha? Exam?"

Parang gusto kong sapakin tong si Jean eh! Mageexam pala ako? Bat di man lang nila sinabi!

Masisiraan na ata ako ng bait sa tatlong to!

"Sino si Miss Anne Del Rio sa inyo.?"tanong ng isang babae na naka suot ng fitted dress na pinatungan ng vest.

Sobrang iksi ng dress niya at ang taas ng heels na suot niya. Pero una mong mapapansin talaga ay yong cleavage niya. Ang laki ng boobs kaya panay pacute nitong bwisit na kasama ko.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now