Chapter 10

104K 1.1K 174
                                    

Jillian Fuentes

Ang bagal lumipas ng araw. Gusto ko na kasing pumunta sa probinsiya ng babe ko. Namimiss ko na kasi sila Nanay at Tatay niya at syempre yong dalawang magagandang Sis niya miss ko na rin. Isa pang dahilan bakit ako naeexcite kasi ipapakilala na daw niya ako.

Yay! Ang saya ko naman!

Kapag okay na kami sa family niya baka magpa-party ako. Hmm kaso pano kung hindi maging okay?

Naku hindi pwedeng hindi!

Naiisip ko pa lang na kontra sila gusto ko ng magwala!

Kainis naman!

Napabuntong hininga ako saka tumingin sa relo ko.

Antagal naman ng babe ko. Ang sabi niya kukunin lang niya yong make-up kit niya dahil naiwan niya kaya siya bumalik ng apartment pero anong petsa na wala pa din siya. Baka maya malate siya sa work niya, pero sabagay ihahatid ko naman.

Lumabas ako ng kotse. Puntahan ko na lang siya baka natabunan na ng make-up. hehe

"Hindi ka ba nahihiya! Nakakadiri ka!"

Nakakailang hakbang pa lang ako papuntang apartment ng babe ko nong biglang may magsalita sa likuran ko, paglingon ko...

Si Rhen!

Buhay pa pala to? Halatang lasing.

"Anong problema mo?"tanong ko.

Nakakadiri daw ako?

Mas mukha siyang nakakadiri sa itsura niya! Tsaka bat ba bigla na lang siyang sumusulpot!

"Nang dahil sayo nasira ang pagkakaibigan namin ni Anne!"

Tumaas yong kilay ko sa sinabi niya.

"Panong naging kasalanan ko?"

Siya nga tong kung anu-ano pinagsasabi sa babe ko kaya hindi siya sumulpot sa first monthsary namin! Hindi niya alam kung gano kahalaga yon sakin! Panira tong unggoy na to!

"Sisirain mo lang ang kinabukasan niya! Alam mong kahit kailan hindi magiging tanggap yang relasyon niyo!" halatang nanggagalaiti siya at kitang kita ko yong pagtitiim bagang niya.

Ano bang problema niya? Una pa lang talaga duda na ako sa pagmumukha ng lalaking to eh!

"Hindi ko sisirain ang kinabukasan niya! Tsaka pwede ba tigilan mo na kami! Kung hindi man kami tanggap ng mga taong katulad mong makitid ang utak, problema niyo na yon!"

Napakuyom ako sa sobrang inis! Gusto ko ng tadyakan yong mukha ng hinayupak na to!

"Kahit ano pang gawin mo hinding hindi mo maibibigay ang kayang ibigay ng isang lalake sa kanya! Sa ngayon mahal ka niya at kuntento siya sayo pero ewan ko lang pag dating ng araw na marerealized niya na hindi ikaw ang taong para sa kanya!"

Sh*t!

"Sinasabi mo lang yan sakin dahil alam mong hindi ka niya magagawang mahalin! Wag ka ng umasa Rhen! Alam kong may pagtingin ka sa GF ko! Pero hindi ko hahayaan na makalapit ka pa sa kanya!"

Napaismid siya.

"Huh Tingnan natin! Sulitin mo na ang pagkakataong kasama mo siya! Dahil gagawin ko lahat para bumalik siya sakin!"

Patawa! Kelan naman niya naging pagmamay-ari ang babe ko e magbestfriend lang naman sila!

Ang sarap talagang basagin yong pagmumukha niya! Kung pwede ko lang ihampas yong gulong ng kotse ko sa kanya gagawin ko talaga!

"Iniisip ko yong kabutihan ni Anne, wala ng iba! Kung totoong mahal mo siya hayaan mo siyang lumigaya!"

"Mahal ko siya at gagawin ko lahat para lumigaya siya!" sagot ko.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now