Chapter 17

73.3K 969 148
                                    

Anne Del Rio

Madaling araw na pero andito pa rin kami palakad-lakad sa kalye habang kumakain ng pop-corn.

Natutuwa ako habang pinapanuod si bakulaw na patalon-talon habang naglalakad tsaka siya biglang titigil pag may matapatan siyang light post.

Nakasunod lang ako sa kanya habang hawak-hawak tong pop-corn na binili namin kanina, inuubos ko lang yong laman.

Kahit ganitong oras marami pa ring taong palakad-lakad gaya naming dalawa. Sabagay ang sarap naman kasing gumala pag ganitong maliwanag ang buong kalye dahil sa mga Christmas lights.

Ahh-aray!

"Jillian saglit."

Tumigil ako sa paglalakad.

Tumigil din siya saka siya lumingon sakin.

"Babe okay ka lang?" tanong niya saka siya lumapit sakin.

Umiling ako.

"Ang sakit ng paa ko."

Lumuhod siya sa harapan ko.

"Ano ba nangyari babe? Alin ang masakit?" tanong niya saka niya hinawakan yong paa ko.

"Bigla na lang sumakit." sabi ko pero ang totoo natapilok ako kanina nong nasa trabaho ako. Papunta dapat ako sa C.R. nong magkamali ako ng hakbang. Kanina ko pa to iniinda pero ngayon lang sumakit ng sobra.

Tumingala siya sakin.

"Sakay ka sa likod ko babe."

"Ha?"

Bubuhatin niya ako?

Hala ayoko! Mabigat kaya ako.

Umiling ako.

"Dali na babe. Malapit lang naman dito yong kotse eh. Tsaka magaan ka lang, kayang-kaya kitang buhatin."

"Baka malugpi ka. Mabigat ako. Tsaka kaya ko namang maglakad. Sumakit lang konte."

"Dali na babe? Anong silbi ng pagtawag mo ng bakulaw sakin kung di kita kayang buhatin? O gusto mo bridal-style ang pagbuhat ko sayo? Deretso honeymoon na rin?" nakangiti niyang sabi.

Natatawa tuloy ako. Nakakahiya naman magpabuhat ako sa kanya ng ganon no.

"Sira ulo ka talaga bakulaw. Bahala ka pag di ka makalakad bukas." sabi ko sa kanya.

Sumakay ako sa likod niya saka siya tumayo.

Napapangiti ako habang nakasakay sa likod niya. Bawat madaanan naming tao napapalingon sa aming dalawa.

Kayang kaya nga niya akong buhatin. Parang wala lang sa kanya kahit alam kong mabigat ako.

"Yong pwet mo kaya hawakan ko babe?"

"Subukan mo lang sasakalin kita!"

Bakulaw talaga siya kahit kelan laging pinagnanasaan yong pwet ko.

"Whoops! Dito na tayo." sabi niya saka niya ako binaba.

"Thanks bakulaw."

Sumakay na kami dito sa kotse niya saka nagbyahe pauwing apartment.

"Okay lang ba talaga ang babe ko?" tanong niya paghinto ng kotse niya.

Todo alalay siya sakin.

"Oo, okay lang naman ako. Hindi naman ako pilay bakulaw kaya kong maglakad mag-isa."

"Eh nagaalala ako sayo babe."

Gusto niya ulit akong buhatin kaso tumanggi ako. Ilang hakbang lang naman mula kalsada hanggang dito sa apartment.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now