Chapter 33

54.6K 956 96
                                    

Anne Del Rio

NAGLALAKAD ako papuntang school. Mag-isa ko dahil wala si Jillian. Hindi siya dumating para sunduin ako. Nakakapagtaka dahil hindi naman siya dating ganito. Maaga yon dumadating ng apartment ko para sabay kaming kumain ng agahan at papasok ng school pero ngayon wala siya. 

Habang naglalakad ako napapansin kong tila napakadilim ng buong paligid, may mga tao ring naglalakad pero parang kasing bilis lang sila ng hangin kapag dumadaan sa harapan ko, napapasunod ang tingin ko sa kanila kaso sa isang iglap lang naglalaho sila na parang bula. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko na lang pinansin ang kapaligiran ko.

Pagdating ko ng classroom naabutan ko si Jean at Jo na naguusap. Busy din lahat ng kaklase namin, nagkukumpulan ang bawat grupo at may kanya-kanya silang pwesto at agenda.

"Andiyan ka na pala Anne." si Jo  katabi si Jean.

"Hi, wala pa si Jillian?"

Nagkatinginan silang dalawa at halata sa mga mukha nila ang pagtataka sabay tingin ulit sakin.

"Sinong Jillian?" sabay nilang tanong.

"Si Jillian....si Jillian na kaibigan niyo na....mahal ko."

Hinihintay ko ang isasagot nila pero sabay lang silang nagtawanan.

"Anne, kelan ka pa naging tibo? At sino ba yong Jillian na yon?"

"Ewan ko sa inyo!" sagot ko sa kanila saka ako umupo. Siguradong pinagtri-tripan na naman ako ng dalawang 'to.

Pagtingin ko sa likuran ko andon si Lucy. Siya na lang ang tanungin ko. Mas matino tong kausap kesa sa dalawa.

"Lucy?"

"Oh Anne bakit?"

"Uhh, dumating na ba si Jillian?"

Napansin ko ang pagkunot noo niya.

"Sinong Jillian?"

"Si...si Jillian yong kaklase natin."

"Wala naman tayong kaklaseng Jillian, eh."

Napasandal ako dito sa kinauupuan ko sa narinig ko.

Ano bang nangyayari? Pati ba naman si Lucy! 

Tumayo ako para tanungin yong iba pero iisa lang ang sagot sa akin. Wala daw silang kilalang Jillian. Para na akong maiiyak, bakit wala si Jillian? Anong ibig sabihin neto?! Bakit hindi nila kilala si Jillian?

"Anne, okay ka lang? Tama na yang pag iisip mo." si Jo, habang hinahagod ang likod ko.

"Sino ba kasi yong Jillian na yon? Baka imaginary friend mo lang siya."

Umiling-iling ako sa sinabi ni Jean. 

Ang nakakapagtaka walang Jillian na sumulpot sa klase. Bakit ganon? Hanggang sa matapos na ang lahat ng subject namin wala akong Jillian na nakita. May kakaibang nangyayari? 

"Anne hatid ka na namin." si Jean at Jo na kasabay kong lumabas ng room. Kung titingnan parang normal naman sila at parang masaya silang dalawa kahit wala si Jillian.

"Hindi na, gusto kong mapag-isa. Maglalakad na lang ako."

"Ikaw bahala. Sige, una na kami." sabi ni Jo.

"Tara Jo. Ang weird talaga ni Anne. Sino daw ba yong Jillian na yon?"

Naririnig ko pang pinag-uusapan ako ng dalawa habang papalayo na sila. Anong problema? Bakit hindi nila kilala si Jillian? Bakit ako lang nakakakilala sa kanya?

Halos patakbo akong lumabas ng gate. Yakap ko ang mga libro ko na naglalakad patungong apartment ko. Hindi ko na rin napigil pa ang luha ko. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin, pero anong gagawin ko gayong wala naman siya? Ako lang nakakakilala sa kanya.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now