Chapter 34

53.7K 847 26
                                    

Jillian Fuentes

"Sa wakas! Dumating ka din!" bungad sakin ni Jo pagpasok ko dito sa locker room. May praktis kasi kami, nahuli ako ng dating dahil hinatid ko pa ang babe ko after ng klase namin. Umupo agad ako saka ko nilabas yong mga gamit ko na nasa bag. Hinihingal pa ako dahil tinakbo ko mula apartment hanggang dito sa school.

"Anong nangyari sa isang yon?" tanong ko kay Jo nong mapansin kong tulala si Jean at parang ang layo ng tingin. 

"She's crazy."  

Napatingin sa amin si Jean saka nagsalita.

"No, I'm not. I'm just... in love." 

Pareho kaming natawa ni Jo dahil hindi namin inaasahang ganon ang isasagot niya. 

Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya dahil sa kabila ng pagigiing babaero niya, eto siya ngayon, nauulol na sa isang babae. Mukha kasing hindi interesado sa kanya yong girl, eh. 

"Try mo kayang yayain minsan at isama mo sa mga lakad natin. Malay mo dahil sa amin ma-in-love siya sayo." sabi ko sa kanya.

"Oo, tama si Jill. Siyempre lagi naming sasabihin na.....'yang si Jean, mabait yan. Swerte mo pag sinagot mo yan."

"Yon! Kuhang-kuha mo Jo! Lahat ng sasabihin namin puro pa-goodshot!"

Tumirik lang ang mata niya pagtingin niya sa amin ni Jo.

"Hindi talaga ako makapaniwala. I have the looks and the money pero bakit hindi ko siya mapa-in-love kagaya ng ibang girls. Mas na-a-appreciate pa niya yong ulam namin kesa sakin."

Halos mapuno ng tawa ang loob ng locker room, ang lulutong pa naman ng tawa namin ni Jo. Tinginan sa amin ang mga kasama namin dahil sa lakas ng tawa naming dalawa.

Napapailing na lang si Jean habang nakayuko.

"Isa lang ibig sabihin non, Jean." si Jo.

"Ano naman?"

"Na mas masarap yong ulam niyo kesa sayo." 

"Gagu ka Jo, pag di ako nakapagtantya buburahin ko yang mukha mo!" 

Hiinubad ni Jean yong sapatos niya at sa anumang oras ay pwede niyang ibato 'yon sa mukha ni Jo.

Halos hindi ko naman maisuot tong sapatos ko dahil tawa ako ng tawa. Kawawang Jean, hindi maipinta ang mukha dahil sa isang babae.

"Ngayong single ka na mas madali na sigurong dumiskarte sa kanya dahil wala ka ng ibang iniisip, tama ba ako Jill?"

"Ah tingin ko tama ka sa sinabi mo, Jo."

Kelan lang kasi nasabi sa amin ni Jean na hiniwalayan niya yong tatlong GFs niya. Siyempre bilang kaibigan niya natutuwa ako, mas okay kung seryoso na siya sa pag-ibig. 

"Okay naman si Bogart este si Mira, actually gusto ko siya para sayo, Jean. Mukhang hindi siya yong tipo na pang-kama lang."

"Sa totoo lang guys. Hindi ko magawang....alam niyo na....hindi ko siya magawang dalhin sa room ko dahil iniisip ko iba siya sa lahat, alam kong hindi kayo maniniwala pero nirerespeto ko siya."

Tumango-tango lang kami pareho ni Jo at nakikinig sa sinasabi ni Jean, kahit natatawa kami sa itsura niya pinipigil namin dahil eto ata ang unang pagkakataon na magkwento siya tungkol sa isang babae, isa pa yong salitang 'nirerespeto' ay parang hindi ako sanay na marinig yon mula sa kanya. Madalas wala itong ginawa kundi mang asar at mam-babae. Madalang mo siyang makitaan ng pagiging seryoso. 

"Baka pwede mo nang i-kwento paano kayo nagkakilala?" anong ko sa kanya saka ako ngumiti at sabay na tinaas baba tong kilay ko.

Napaisip siya.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now