Chapter 46

37.2K 881 122
                                    

Anne Del Rio

ABALA ako dito sa kusina ni Yana sa pagluluto ng nilagang baboy para sa aming pananghalian. Habang hindi pa nagsisimula ang klase dito muna niya ako pinatuloy, ayaw niya akong pauwiin kahit may sarili na akong apartment. Alas nuebe na ng umaga pero tulog pa siya. Umaga na kasi natutulog si Yana dahil gising siya sa gabi para asikasuhin yong bar niya. Wala siyang ibang kasama dito sa bahay niya, mas gusto niyang mapag-isa hindi katulad ng mga kaibigan niya na may mga sariling kasambahay. Si Jillian nga ang dami niyang kasama sa bahay kumpleto mula hardenero hanggang sa Cook et cetera.

Hay Jillian na naman ako!

Tama na ang pag-iisip sa kanya!

Binuksan ko ang kaserola para tingnan kung malambot na yong karne na pinapakuluan ko. Tinimplahan ko na ito ng pampalasa at nong masigurado kong malambot na ito, hinalo ko na ang mga gulay. Hinayaan ko lang na kumulo saglit saka ko pinatay ang kalan.

Inaasahan kong mga alas onse gigising na si Yana kaya may oras pa ako para maligo bago kami kumain.

Hinanda ko na ang damit ko para maligo nong marinig kong tumunog ang doorbell. Wala naman sinasabi si Yana na may bisita siya at lalong wala namang sinasabi ang mga kaibigan niya na pupunta sila rito kaya nagtataka ako kung sino ang dumating dahil hindi naman mahilig na magbisita si Yana ayon sa kanya.

Paulit ulit na tumunog ang doorbell kaya binuksan ko na ang pinto at laking gulat ko kung sino ang nasa labas ng gate.

“Hello goodmorrning, Anne.”

“Arvie!”  

Nakangiti ito habang may suot na sunglasses.

Hindi ko na pinaalam kay Yana na si Arvie ang bisita niya, pinapasok ko nalang ito tutal kilala ko naman siya at kaibigan nila ito.

“Long time, no see, Anne.” Sabi niya saka ito humalik sa pisngi ko.

“Oo nga, eh. Maupo ka muna. Gigisingin ko lang si Yana.”

“Hindi na, nabalitaan kong andito ka kaya ako pumunta rito.” Sabi niya sabay tanggal ng suot niya sunglasses.

”Matagal na kitang hindi nakikita kaya sumadya muna ako rito bago tumuloy sa lakad ko. Kumusta ka na? Ang hot mong tingnan pag magulo ang buhok mo.”

Hot?!

 

Halos mamula ako sa sinabi niya. Hinawi ko kasi ang buhok ko patalikod bago lumabas ng pinto, hindi ko na alam kung maayos ba ito o hindi nong humarap ako sa kanya.

Hindi ko na naisip pang humarap sa salamin bago sa kanya.

“Hindi ka na naka-imik diyan. Totoong ang hot mong tingnan. Ang swerte talaga ni Jill kaso sinayang niya.”

“Ngayon lang tayo ulit nagkita Arvie bibiruin mo pa ako ng ganyan.”

Isang irap ang ibinigay ko sa kanya ang hindi ko inaasahan ay ang magiging reaksyon niya.

Natawa kasi ito.

“Kumusta ka na ba?”

“Heto ganon pa rin. Dapat sa province na ako mag-aaral kasi nagkaproblema pero unti-unti namang naayos kaya dito na ako ulit magpapatuloy.”

“Good to know that. Nabalitaan ko yong nangyari sa inyo ni Jill. Tsk tsk”

Napatango lang ako sa sinabi niya.

“Kalimutan mo na siya Anne. Tingin ko masaya na siya roon kasama si Tiffany. Ang alam ko magkalapit lang sila roon kaya hindi imposibleng sila ang magkasama ngayon.”

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon