Chapter 53

34.5K 846 67
                                    

Anne Del Rio

NAGSINUNGALING si Jo. Pero bakit? Ganon na ba ako katanga para magawa nilang bilugin ang ulo ko ng ganito? Kung hindi ako hinamon ni Arvie na tanungin si Jo, baka hanggang ngayon napapaniwala pa rin nila ako sa mga kasinungalingan nila.

Oh God! Hanggang kailan ako magdudusa ng ganito? Hanggang kailan ko kukumbinsihin ang sarili ko na mahal pa ako ni Jillian? Ang sakit sakit na, eh.

Mugto ang mga mata ko habang nakatingin sa salamin, wala kasi akong ginawa kagabi kundi ang umiiyak. Pakiramdam ko aping-api ako. Hindi naging madali sa akin ang lahat dahil pilit kong inuunawa kung bakit nagawa akong paglihiman ni Jo. Akala ko pa naman itinuring na rin nila akong kaibigan pero parang pagpapanggap lang ang lahat ng pinakita nila sa akin.

Naiiyak na naman ako pero pinilit kong kinalma ang sarili ko. Hindi pwedeng habang buhay akong umiiyak.  Hindi pwedeng habang buhay akong masasaktan.

Ilang minuto din akong nakatayo dito sa harapan ng salamin nong maisipan kong pumasok na sa school. Ilang araw na rin mula nong magumpisa ang pasukan. Hindi na katulad dati na may kasama akong pumapasok, buong araw akong masaya hanggang sa pagtulog at paggising ko masigla ako dahil kay Jillian. Pero nabaliktad lahat ng mga pangyayari. Ngayon mag-isa ko na lang naglalakad. Kung dati magaan ang pakiramdam ko at hindi ako napapagod na maglakad pero ngayon parang pasan ko ang mundo dahil bawat hakbang ng mga paa ko pabigat ito ng pabigat habang sumasayad ito sa lupa.  At ang mga mata ko na dati’y punong puno ng sigla ngayon wala na itong ginawa kundi ang umiyak.

Huminga ako ng malalim nong matapat ako dito sa gate ng campus isinuot ko na rin ang I.D. ko saka pumasok.

“Anne?! Saglit lang! Please kahit isang minuto lang just listen to me.”

Alam kong si Jo ang tumatawag sa akin pero hindi ko ito pinapansin. Patuloy lang ako sa paglalakad pero naabutan niya ako at agad na hinawakan ang braso ko.

“Anne, please kausapin mo naman ako kahit ngayon lang. Heto.”

May inaabot siya sa akin pero hindi ako nakatingin doon kundi sa kanya mismo. Tinitigan ko siya sa mata , pinapakiramdaman ko ang puso ko kung ano ang sasabihin niya.  Pero isa lang ang sinisigaw nito….wala na akong tiwala sa mga taong ito. Agad kong binawi ang kamay ko saka ako umiwas sa kanya at diretso ulit ako sa paglalakad papuntang classroom pero hindi niya ako tinigilan.

“Anne makinig ka naman. Hindi naman ako ganon kasama para saktan ka. Nagawa ko lang yon dahil—“

“Tama na, Jo.” Mahinahon ang boses ko na halos ayaw nitong lumabas sa bibig ko. “Ayoko ng makarinig pa ng kahit ano mula sa inyo. Pinuputol ko na ang lahat ng kaugnaya ko sa inyo at paki-usap lang wag niyo na akong guguluhin pa at paki sabi na lang din sa kaibigan niyo na hindi na ako umaasa pa sa kanya. Wala na siyang dapat ipag-alala sa akin. Hindi ko na rin siya guguluhin pa.” nangingilid ang mga luha sa mata ko kaya umiwas agad ako ng tingin kay Jo.

“Mas mabuting ikaw na lang magsabi sa kanya. Eto ang address, baka yan na ang huling pagkakataong makita mo si Jill kaya sana pumunta ka mamayang gabi.”

Pilit na isiniksik ni Jo ang kapirasong papel sa palad ko bago siya umalis. Naiwan akong tulala at ilang minuto din akong hindi gumalaw dito sa kinatatayuan ko.

Tumingala ako at huminga ng malalim.

“Baka yan na ang huling pagkakataong makita mo si Jill kaya sana pumunta ka.”

“Huling pagkakataon….”

Hanggang sa bandang huli sasaktan mo rin pala ako Jillian. Bakit pa ako pupunta kung ito na rin pala ang huling pagkakataong makikita kita?

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now