Chapter 30

64.7K 994 95
                                    

Anne Del Rio

"I don't give a damn what other people say. I just know you are for me and I am for you. So let me say this to you now...Ohhh babe, you're everything I love. ohhhh ohhh ohhh yieeee.Yon lang. Babe! ingat sa pag-uwi. May practice pa kami. Puntahan kita mamayang gabi. I Love you."

Napapangiti ako habang pinapakinggan ang voice message ni Jillian, natutuwa lang ako dahil kinanta niya yong message niya sakin. Hindi ko tuloy maitago ang mga ngiti ko. Loko kasi siya, alam niya kung paano ako pangitiin. Kung iisipin mo ilang buwan na rin ang relasyon namin pero habang tumatagal lalo akong kinikilig sa mga ginagawa niya sakin, kahit siguro corny pagdating sa iba. Lalo siyang napapamahal sa akin pero hindi niya alam yon. Hindi kasi ako showy pagdating sa nararamdaman ko. Pero pagdating sa kasungitan showy nga daw ako, yon ang sabi Jillian.

["Ingat kayo babe, sorry di na kita nasundot."]

Nakareceived ulit ako ng text mula sa kanya.

Natatawa ako sa message niya.

["Sira! Ikaw kaya sundutin ko!"] reply ko sa kanya.

["Ohh gusto ko yan. Kelan babe?"]

Lalo akong napangiti. Baliw talaga siya! Hindi na ako nagreply dahil nakatingin na sakin tong katabi ko.

Sino?

Si Tisay.

Pasakay na ako ng bus kanina nong humabol siya, gusto daw niyang dumalaw sa apartment ko kaya sumama siya sakin. Galing kaming trabaho at parehas kaming inaantok ngayon. Masarap magpahinga mamaya dahil Saturday at halfday lang ang work namin kanina.

"Bat parang ngiting ngiti ka naman diyan girl? Share mo naman."

"Hmm? Share ang alin?"

Napansin pala niya yong pagngiti ko, baka isipin niyang nabubuang na ako.

"Sus! Bat ka napapangiti? Dali na girl!" pilit niya.

"Uh natutuwa lang ako sa voice message ni Jillian sakin. Iyon lang."

"Eyy parinig nga?"

"Hmmm?"

Tumaas yong dalawang kilay ko.

"Dali na girl parinig naman!"

"Wag na!"

"Sige na?!"

Talaga naman tong si Tisay oh. Ang kulit, hindi ako tinantanan hanggat di ko pinaparinig yong boses ni Jillian. Kaso wala na akong nagawa, binigay ko sa kanya yong phone ko saka niya pinakinggan.

"Eiiiii ang sweet talaga niya." sabi sakin nong marinig na niya sabay sundot sa tagiliran ko.

Lokang to, siya naman ngayon ang hindi mapigil ang ngiti.

"Ang swerte mo talaga diyan kay Jill girl. Naku, kung ako lang GF niya baka lagi akong nakayakap at halik sa kanya."

Natatawa ako sa gesture niya na halatang kinikilig kay bakulaw. Talaga naman yong Jillian na yon, may mga babae talagang nalalaglagan ng panty dahil sa kanya. Isa na tong si Tisay na parang bulate pag nakikita si bakulaw. Minsan halos manigas siya habang niyuyugyog ang balikat ko pag lumalapit si Jillian sa aming dalawa. Nakakalimutan ata niyang ako ang GF nong kinakikiligan niya! Talaga naman ang babaeng to! Ganon ba talaga ako kaswerte kay Jillian? Maliban daw sa mayaman na, ang cute pa at higit daw sa lahat ang sweet niya. Yan ang paulit ulit kong naririnig kay Tisay.

"Ang sweet niya girl! Nakakakilig!"

Oh di ba? Paulit-ulit lang!

Saglit lang ang byahe namin at nakarating na kami dito sa apartment. Pareho kaming nakaupo dito sa sofa at nagpapahinga. Medyo mainit sa labas kaya parang lalo kaming inaantok.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now