Chapter 57

31.7K 929 172
                                    


Jillian Fuentes

Isang tawag ang natanggap ko mula kay Yana habang papasok na kami sa kanya kanya naming apartment ni Anne.

"Babe wait!"tawag ko kay Anne bago siya pumasok ng pintuan."Tumawag si Yana. Punta raw tayo sa bar niya ngayon. Ano go tayo?"

Halatang nag-isip pa siya.

"Bakit daw?"tanong niya habang pareho kaming nakahawak sa doorknob ng mga pintuan namin.

"Hindi ko alam, eh. Gusto mo ba o ayaw?"

"Sige tara."

"Okay, magbibihis lang ako, ha? Tapos punta na ko diyan."nginitian ko siya sabay kindat.

Hindi naman maikakaila sa akin ang pamumula ng pisngi niya.

Ang ganda talaga niya!

Sabay na kaming pumasok sa aming mga apartment. Wala pa atang limang minuto nakapagbihis na agad ako. Agad naman akong pinagbuksan ni Anne pagkatok ko dito sa pintuan niya.

"Mhmm? Ang bilis mo namang magbihis, Jillian."sabi niya habang may hawak itong isang basong tubig.

Halatang uhaw na uhaw siya.

"Alam mo naman ako. Gusto ko nakikita ka palagi."

Ngumiti lang ito saka sumimsim ng tubig sa baso habang ako naman ay nakatitig na naman sa kanya.

Uupo sana ako dito sa sofa pero mas pinili kong lapitan siya.

"Ang tagal kitang hindi..."

Natigil ako sa sasabihin ko dahil agad ko siyang niyakap mula sa likuran niya na halatang ikinagulat niya. Hindi kasi siya nakatingin sa akin.

".....hindi nayakap, nahalikan at napanggigilan."

"Jillian nakikiliti ako."sabi niya nong umpisahan ko siyang halikan sa leeg.

"Ang bango mo babe, pwede bang ako na ang magbihis sa iyo?"

"Ako na lang Jillian. Kung gusto mo panuorin mo na lang akong magbihis."

Biglang nanlaki ang mata ko.

"Totoo?"

"Biro lang. Ikaw talaga."nakangiting sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.

Bigla akong nanlumo.

Pinasasabik lang niya ako.

"San ka pupunta?"tanong ko nong ilapag niya ang baso.

"Magbibihis na."

"Sama ako? Sige na, babe."

"Ikaw ang bahala."

Yes!

Nakasunod na ako sa kanya pagpasok niya ng kwarto.

"Maupo ka muna diyan sa kama magbibihis lang ako."

Sumunod naman ako.

Pinapanuod ko siya habang naghahanap ng maisusuot.

"Okay na ba to, Jillian?"

Skinny Jeans at sleeveless na blouse.

Tumango naman ako.

Napalunok na lang ako nong magsimula siyang maghubad ng pants sunod ang kanyang blouse.

"Babe?"

"Mhmm? Bakit?"

"Pwede bang mamaya ka na magsuot ng damit? Pahug muna ako?"

"Ikaw talaga. Kung hindi lang kita mahal. Sige hug na."

"Yay! Ang bait!"

Agad akong lumapit sa kanya saka ko siya niyakap sa likod.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now