Chapter 14

68.6K 811 23
                                    

Jillian Fuentes

Maaga akong nagising dahil nagriring yong phone ko. Pagtingin ko sa screen si Mom.

Bat kaya? Ang aga naman manggising ng Nanay ko.

Ang babe ko eto tulog na tulog pa.

"Hello Mom?" sinagot ko yong tawag niya.

"Sweetheart sorry kung ginising kita ng maaga."

"It's okay Mom. Andiyan na ba kayo ni Dad sa house?"

"Yes sweetheart, andito na kami. How's Anne?"

Napatingin ako sa babe ko nong itanong ng Mom ko kung kumusta siya.

"Eto tulog pa po siya." sabi ko sabay haplos sa pisngi ng babe ko.

"Sweetheart bukas kasi kailangan namin bumalik ng States ng Dad mo. Nagkaroon ng problem sa Company at kailangan namin bumalik ASAP."

Bigla akong nalungkot sa sinabi ng Mom ko. Aalis sila agad? Ilang araw pa lang sila tas babalik na naman sila ng States.

"Sweetheart. Are you still there?"

"Yes, Uhm pano po si Wendy Mom?"

"Pupuntahin namin siya ng Dad mo today."

Today sila pupunta don?!

"Ah Mom sasama ako?"

"Pero may pasok ka sweetheart."

Oo nga may pasok ako saka ang babe ko walang maghahatid sa kanya sa work. Bumuntong hininga ako.

"Mom pwede bang hindi ako pumasok? Ngayon lang naman po. Tsaka para masamahan ko kayo ni Dad."

"Okay sweetheart. Hihintayin ka namin ng Dad mo."

"Thanks Mom. Magpapaalam lang po ako kay Anne."

Mabigat din sa loob ko na hindi ihatid ang babe ko sa trabaho pero minsan ko lang din makakasama ng buo ang pamilya ko kaya nagdecide akong samahan sila. Maiintindihan naman siguro ako ng babe ko.

Nakaupo lang ako dito sa gilid ng kama habang nakatitig sa kanya. Pagtingin ko sa relo ko 6:13 AM na.

"Hmm Jillian..?"

"Babe..."

"Jillian bat ang aga mo nagising?" tanong niya saka siya gumapang at nag-unan sa lap ko. Subsob siya sa puson ko habang nakayakap sa bewang ko.

Ang sweet ata niya ngayon?

"Babe. Aabsent ako today."

Hinihintay ko lang siyang sumagot.

"Babe?"

"Hmm bakit?"

"Sabi ko aabsent ako today."

"Bakit nga?"

"Bukas kasi aalis na sila Mom pabalik ng States. May problema sa Company kaya uuwi sila agad. Pupuntahan namin si Wendy ngayon."

Hindi siya nagsalita. Yumakap lang siya ng mahigpit sa bewang ko habang nakasubsob pa rin sa puson ko.

"Makikita mo na naman si Pam."

Hmm? Lihim na napapangiti ako. Nagseselos talaga siya kay Pam.

"Babe si Wendy ang pupuntahan namin. Hindi naman si Pam eh."

"Hmm kahit na." sabi niya saka gumapang ulit, sumakay sa lap ko at yumakap sakin.

Mas lalo tuloy akong napapangiti sa babe ko. Minsan ang sungit-sungit niya, ngayon naman napaka-sweet niya at halatang naglalambing.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now