Chapter 32

56.1K 899 65
                                    

Anne Del Rio

NAGING maayos naman ang weekend ko kasama si Jillian kahit naroon si Pam sa bahay nila. Ilang beses kong nahuhuli yong babaeng yon na lapit ng lapit kay Jillian pero hindi ko na lang binigyan ng kahulugan pa. Kahit nakakairita ang presensya niya wala na akong magawa, kailangan ko din siyang pakisamahan para wala silang masabi lalo na si Wendy. 

"Ang swerte mo, Anne. Maliban sa mabait, sobrang cute talaga ni Jill ano?" si Pam. Lumapit siya sa 'kin habang nililigpit ko 'tong mga plato na nagamit namin kanina. Lumabas ng kusina 'yong magkapatid dahil may ipapabuhat daw si Wendy kay Jillian kaya kami ni Pam ang naiwan dito sa kusina.

"Mabait talaga siya at.."

"Sweet! Iyan ang nakikita ko talga sa kanya." 

Hindi pa ako natatapos sa sinasabi ko nong magsalita ulit siya. Sweet daw si Jillian?! At pano naman kaya niya nasabi yon?! 

Sa pagkakatanda ko eto ang unang pagkakataon na magkausap kami ni Pam pero kung makipag-usap siya sakin akala mo close kami. 

"Aaminin ko sa 'yo gusto ko talaga si Jill, ang cute kasi niya. Pero hindi ko naman siya aagawin sayo. Maliban na lang kung magpapaagaw talaga siya. Biro lang."

Ingud-ngod ko kaya tong babaeng to dito sa lababo! Ang lakas ng loob niyang sabihin sakin ng harap-harapan ang mga salitang yon. Kahit biro lang hindi nakakatuwa.

"Uy Anne, biro lang 'yon ha? Baka naman magalit ka."

"Bakit naman ako magagalit? Alam ko kung gaano ako kamahal ni Jillian. At kung sakali mang may lumandi sa kanya hindi ako magdadalawang isip na sampalin siya at sabuyan ng kumukulong mantika sa mukha niya."

Nginitian ko si Pam saka binalik ulit ang tingin ko sa mga platong nililigpit ko. Hindi ko na rin siya narinig na nagsalita pa. Nagpatuloy na rin siya sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang tapang ko ngayon pero pag naiisip kong baka agawin ng iba sakin si Jillian andon yong takot ko pero mas matindi ang pagnanais kong itaboy yong mga taong katulad nitong si Pam. 

Hanggang ngayon naaalala ko pa yong pag-uusap naming iyon ni Pam. Pinipilit ko na lang ipalagay ang loob ko sa kanya para walang masabi ang kapatid ni Jillian sakin. 

"Good evening, Anne!" si Tisay. Naabutan niya akong nag-aayos dito sa locker room.

"Magandang gabi din sayo Tisay." 

Ngumiti ako sa kanya saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Kumusta naman? Parang ang tagal nating hindi nagkita, no?"

''Kaya nga." sagot ko sa kanya habang inaayos ang buhok ko. Naglagay ako ng hair pin pagkatapos non sinuot ko naman yong hair net.

"Kumusta naman ang weekend mo, girl?"

"Hmmm. Ayon okay naman. May asungot lang sa bahay nila Jillian."

"Talaga? Sino naman yon?"

"Si Pam, bestfriend ng Ate niya."

"Ohh, Maganda?"

"Hmm mas bagay niya ang salitang malandi. Laging nakadikit kay Jillian."

"Ganon?! Pero sigurado naman akong mas maganda ka don, di ba?"

"Oo pero hindi nga ba't daig daw ng malandi ang maganda?"

"Oo, nga no?"

Sabay kaming natawa ni Tisay sa sinabi ko at sa reaksyon niya ng mukha niya.

"Lagot ka pala don."

"Siya ang lagot sakin dahil hindi ako papayag na landiin niya si Jillian. Sasabuyan ko talaga ng kumukulong mantika yong mukha niya pag di siya tumigil sa ginagawa niya."

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now