Chapter 45

38.8K 989 258
                                    

Anne Del Rio

PAGKATAPOS ng gabing iyon, nagsimula na ulit akong maghanap ng apartment na titirhan ko sa pasukan. Lahat sila nag offer na sa bahay nalang nila ako tumira pero tumanggi ako. Iba pa rin pag sarili mo yong titirhan mo. Pero habang hindi pa ako nakakahanap ng apartment sa bahay ni Yana muna ako tumutuloy.

“Sasama daw si Jean sa paghahanap ng apartment. Wala daw siyang magawa, naiinip siya dahil nasa klase pa si Mira Jane, eh.” Si Jo.

Nasa biyahe na kami at papunta kami sa dati kong apartment, baka sakaling bakante pa. Nong Makita ni Jo ang sasakyan ni Jean na nakapark sa isang convenience store binagalan niya ang takbo ng sasakyan niya saka niya ito binusinaan. Agad namang sumunod si Jean at nasa likuran na namin siya nakasunod.

Ilang minuto lang ang naging byahe namin at nakarating kami sa pakay namin.

“Hi, sunget. Kumusta?”

Iyon agad ang bungad sa akin ni Jean nong makababa na kami ng kotse ni Jo.

“Ayos lang naman ako.” Sagot ko.

“Alam kong namiss mo ako. Sorry di ako nakasama sa pagsundo sayo, medyo busy lang.” paliwanag niya saka niya ako hinalikan sa pisngi.

Himala. Mabait ata siya ngayon?

Sabay-sabay na kaming naglakad na tatlo papuntang apartment ko dati. Naunang maglakad si Jo samantalang kasabay ko si Jean. Agad naming hinanap si Aling Martha, yong may ari ng paupahan.

“Anne! Naku, mabuti at napadalaw ka!” nakangiting bati sa akin ni Tita nong makita kaming papalapit sa kanya.

“Magandang umaga po Tita, naparito po kami para itanong kung bakante pa ba yong dati kong inuupahan?”

“Naku Anne pag-alis mo may kumuha na agad nong kwartong iyon.”

Napatango-tango na lang ako kahit may pagka dismaya akong naramdaman nong sabihin ni Aling Martha na may nakakuha na nong apartment ko dati, hindi tuloy ako nakasagot at napalingon na lang ako sa pintuan non.

Nakakalungkot lang dahil doon nag simula lahat….…lahat ng magagandang pangyayari sa buhay ko kasama si Jillian, ang naging tirahan naming dalawa. Kahit maliit lang iyon punong puno naman ng ala-ala kaso tuluyan na itong mawawala sa akin.

“Dodoblehin ko ang bayad Aling Puring basta ibigay niyo lang ulit sa amin ang apartment na iyan.”  

Natigilan ako nong magsalita si Jean.

“Martha ang pangalan ko, hija.”

“Ahh, sorry po Aling Martha. Baka naman pwede niyo na lang palayasin yong nagrerenta diyan at kami na lang titira diyan, mababait naman kami at magaganda pa. Ano po sa tingin niyo?”

Natatawa si Jo na tumingin sa akin pero wala akong kibo.

“Pasensya na pero hindi talaga pwede.”

“Sige na Ale. Baka mapagbigyan niyo kami kahit triple pa ang bayad!”

“Pasensya na po nagbibiro lang siya.” Sabi ko.

Nasisiraan talaga tong si Jean!

Hinila ko nga yong damit niya.

“Saglit lang sunget nakikipag tawaran pa ako. Bitawan mo nga ako!” bulong niya saka pilit na tinanggal ang kamay ko sa damit niya sabay tulak sakin papunta kay Jo.

Saan naman ako kukuha ng pampayad kung triple ang renta ko?!

Tumingin ako kay Jo pero kinindatan niya lang ako.

Hay! Mga taong to! Minsan sakit ng ulo!

“May kontrata kami ng bagong nagrerenta diyan. Sampung taon ang ibinigay niyang bayad kaya imposibleng ibigay ko pa sa inyo yan.”

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now