Chapter 6

93.1K 1K 74
                                    

Jillian Fuentes

Huling gabi na ng training ng babe ko ngayon. Hinihintay ko lang mag 9PM saka ko siya susunduin. Dalawang oras na ako dito sa Mall malapit sa Head Office nila, paikot- ikot lang wala din kasi magawa sa bahay.

"Jill."

Hmm? Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Uy, Dev musta?"

Natutuwa akong makita si Devy. Tagal na din kaming di nagkita, hindi naman masiyadong matagal pero dati kasi kada linggo kasama ko siya.

"Long time, no see. Ano ginagawa mo dito?"

"Ah susunduin ko lang si Anne."

"Anne?"

Tumango tango ako.

Ay Oo nga pala di ko pa nasasabi sa kanya na GF ko si Anne.

"GF ko, nakilala mo na siya Dev, tanda mo dinala kita sa KTV Bar dati? Andon siya."

"Ah yup tanda ko na." Iba mga ngiti ni Devy nong marinig niya yong 'GF ko'.

Di ko napansin antagal na namin nagkukwentuhan ni Devy. Pagtingin ko sa relo ko, naku! Pasado alas nwebe na.

"Dev kailangan ko ng umalis." humalik na ako sa pisngi niya sabay takbo, hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. Baka naghihintay na ang babe ko sa harapan ng building. Patay na naman ako pag nagsungit yon.

Pag dating ko, bat wala pa siya?

Umuwi na kaya? Nagalit?

Wag naman!

"Bulaga!" biglang may humawak sa likod ko at sinusubukang gulatin ako, pero di naman ako nagulat! Pagharap ko, sabi ko na nga ba.

"Babe pati ba naman panggugulat kinakarir mo na?" natatawa kong sabi.

"Di ka nagulat? Kahit konte?" tanong niya habang nakahawak sa damit ko.

"Pano ako magugulat babe ang hinhin mo namang manggulat. Para kang pusa."

"Pusa pala ah! Diyan ka na nga!" tumalikod na siya saka naglakad.

"Babe joke lang naman, tara kain muna tayo?" inakbayan ko siya saka humalik sa pisngi niya.

Ang sungit talaga ng babe ko oh, mula nong una ko siyang nakilala parang hindi nababawasan yong pagsusungit niya, mas lalo pa atang nadadagdagan. Pero para sakin okay lang, para matakot sa kanya yong mga lalaking magbabalak manligaw sa kanya, kaso ang problema pano kung sakin lang pala siya masungit?

Hmp! Subukan niyanh maglandi sa iba! Pipilayin ko kung sino man yong mang lalandi sa kanya!

"Hoy bakulaw anong nangyari sayo kanina ka pa tulala? Akala ko ba kakain tayo?"

"Ha? Ah Oo nga babe kakain tayo."

Deretso na kami sa isang fast food chain saka kumain, pagkatapos umuwi na din agad. Alam kong pagod na pagod siya. Ang kulit kasi gusto pa magtrabaho eh pwede ko naman siyang tulungan.

Hay! Tama na nga! Paulit ulit lang ako.

Dito na kami sa apartment niya. Nakaupo ako dito sa sofa, siya naman ayan nakatayo habang umiinom ng tubig. Tambay lang saglit tas uwi na din ako para makapahinga siya.

Buti na lang wala kaming pasok ng Saturday kaso kami may praktis lagi sa umaga.

"Jillian sa Monday kukunin ko yong uniform tas schedule ko sa trabaho. Nagsigned na din ako ng contract kanina, kaya by Tuesday na siguro ako mag-i-start." sabi niya sabay upo sa lap ko. May hawak-hawak pa siyang baso.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now