Chapter 24

78.7K 1K 98
                                    

Anne Del Rio

NATAPOS ang bakasyon namin ni Jillian at nakauwi na rin kami ng Manila. Sa kabila ng pagtutol ni Tatay sa relasyon naming dalawa, nagawa ko pa ring magmatigas at sumama kay Jillian pauwi.

Iyon ang unang pagkakataon na sinuway ko ang aking Tatay.

"Babe ang lalim ng iniisip mo. Kanina ka pa tulala."

"Hmm?"

Naglalakad na kami papuntang Campus ni Jillian. Katulad ng dati sabay kaming naglalakad papasok.

"Hmm wala, namimiss ko lang yong dalawang kapatid ko."

Kahit naman siya napapansin ko din ang pagiging tahimik niya. Dati rati lagi siyang nakangiti pag tumitingin sakin, pero parang iba siya ngayon. Seryoso lang siya.

"Kahit ako namimiss ko yong dalawang cute na yon, ang kukulit nila babe no?"

Tumango ako at sa wakas ngumiti na rin siya.

Hindi ko pa nasasabi kay Jillian kung ano ang napagusapan namin ni Tatay bago kami umuwi. Pero sa tingin ko mas mainam na hindi ko muna ipaalam sa kanya, nagaalala ako baka sumama na naman ang loob niya sa akin.

"Haa!!!!"

Napatingin ako sa kanya nong bigla siyang sumigaw.

Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"Bakulaw bat ka sumisigaw?"

Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako.

"Gusto ko lang ilabas yong mabigat na hangin na dinadala ko dito."sabi niya sabay turo sa dibdib niya.

"Sobrang bigat na ba?" tanong ko habang nakatitig sa kanya.

"Medyo, pero kapag nakikita kita lalo na pag nakangiti ka, nababawasan yong bigat."

"Eiii.." kinurot ko siya sa tagiliran saka ngumiti.

"Totoo naman babe eh. Ikaw lang talaga ang babaeng sobrang nagpasakit ng ulo ko."

"Ganon?"

"Pero ikaw lang din ang babaeng sobrang nagpaibig sa akin."

"Sus, Bakulaw ang aga aga pero nang-aasado ka na naman eh."

"Hindi babe ah."

Marahan niyang hinawakan ang kamay ko saka siya naglakad ng mabilis kaya napabilis din yong lakad ko.

Loko talaga tong bakulaw na to! Kahit may pinagdadaanan kaming mahirap na sitwasyon ngayon nagagawa pa din niya akong pangitiin at bigla-bigla na lang mangungulit.

"Jill Anne!!!!!!!!"

Sabay kaming napatingin kina Jean at Jo nong salubungin nila kami pagpasok namin ng gate.

"Kung makasigaw naman kayo akala mo kung ilang taon tayong hindi nagkita!" nakangiting sabi ni Jillian habang nakikipagtulakan kay Jean. Pano dinaig pa niya ako kung makalambitin sa leeg ni Jillian, tong Jean na to!

"Kumusta ang lakad?" tanong ni Jo habang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pants niya.

"Uhm." tumingin sa akin si Jillian at ang mga ngiting nakikita ko kanina ay bigla na lang naglaho sa labi niya.

Parehas kaming hindi makasagot sa tanong ni Jo. Sigurado namang iisa ang nasa isip namin ni bakulaw, kung kumusta yong pagpapakilala ko sa kanya sa pamilya ko.

"Ayon, uh—"

"Hmm ah! Ano kaya kung pumasok muna tayo ng classroom? Kwentuhan na lang tayo mamaya." sabi ni Jo nong mahalata ata niyang hindi alam ni Jillian ang sasabihin.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now