Chapter 8

83.4K 1K 123
                                    

Jillian Fuentes

Nagsimula na ang Volleyball League pero next week pa yong schedule ng game namin. Araw-araw na ang praktis namin at meeting, pero kahit sobrang busy di ako nawawalan ng oras sa babe ko. Hatid sundo ko pa din siya sa trabaho, gumigising talaga ako ng maaga para makapaghatid ng breakfast sa kanya at sabay kaming kumakain sa umaga.

Bilib na talaga ako sa kanya dahil pag uwi galing work magrereview pa siya at gagawa ng assignments. Kahit kami ng babe ko, di ako nangongopya sa kanya kasi nahihiya ako no! Kaya kahit mahirap yong ibang subjects namin kinakaya ko. Madalas habang hinihintay ko matapos yong work niya nagrereview ako sa loob ng kotse ko.

Mula nong makilala ko ang babe ko medyo tumaas na ibang grades ko. Ayoko mangulelat, isa pa pagagalitan niya ako pag mababa mga score ko sa exam at quizzes. Palibhasa sila lagi ni Jean nangunguna sa klase. Ako? Wala, nangunguna lang sa kacute-an haha, pero kailangan ko din talaga magaral ng mabuti dahil di ako pwede bumagsak sa General Average dahil pwede akong matanggal sa pagiging Varsity Player. Isa pa pala, mino-monitor ni Mom lahat ng grades ko kahit nasa States sila. Nong first year ako panay padala ng Tutor nong friend ni Mom pero nababanas sakin yong mga Tutor dahil madalas inaaway ko sila at panay takas ko.  Ayaw ko ng Tutor! Ano ako bata?!

"Hoy Jill!" naputol yong pagiisip ko nong tawagin ako ni Jo. Katatapos lang ng praktis namin ngayong hapon.

"Hoy ka din!" sagot ko.

"He! Tingnan mo si Jean mukhang nababaliw na. Parang may hinahap lingon ng lingon."

Pansin ko nga kanina pa lilinga-linga tong si Jean.

"Hoy Jean! Baliw ka na ba? Para kang tanga diyan!" sigaw ko.

"Hindi ako baliw!"

"Ano pala?" si Jo.

"Tigilan niyo nga ako!" tiningnan ba naman kami ng masama.

"Sige na, di ka na baliw."sabi ko.

"Hmp! Salbahe kayo! Suntukan na lang tayo?"

Natatawa ako sa kanya. Bangag!

"Uwi na ako guys." paalam ko.

"Ako din uwi na." si Jo.

"Uy, uy, uy wait lang guys si Yana at yong iba nagyayaya na magkita-kita daw tayo. Namimiss na nila yong bonding natin guys. Tsaka si Anne at Jack miss na din daw nila." si Jean, mukhang nagbalik na sa katinuan.

"Hmm kung linggo ng hapon yan baka makasama kami ng babe ko. kasi yon lang ang Off niya." sabi ko.

"Kung kelan pwede lahat, pwede kami ni Jack." sabi naman ni Jo.

"Sige sige, sabihin ko sa kanila. Ako na bahala. Alis na din ako. May date kami ng baby ko. Bye guys."

Humalik na sa pisngi namin si Jean saka lumarga na. Hindi namin alam ni Jo kung sino na naman yong baby niya na yon dahil lahat naman ng chicks niya Baby tawag niya. Umuwi na din si Jo, baka may lakad din sila ni Jack.

Ako?

Uwi muna ako para maligo saka mamaya dadaan pa ako sa Mall kasi bibili ako ng ire-regalo ko sa babe ko sa monthsary namin. Iniisip ko pa kung pano namin ice-celebrate dahil may pasok siya.

...

"Hi Ma'am goodevening po. Gift po ba para sa boyfriend niyo?" Tumaas yong kilay ko sa tanong ng Sales Lady.

Andito ako sa gift shop.

Napabuntong hininga ako.

Boyfriend?

Wala akong boyfriend!

Girlfriend meron ako!

"Wala akong boyfriend Miss, Kailangan ko lang ng Gift para sa-"

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now