Chapter 16

68.3K 879 63
                                    

Jillian Fuentes

"Mom bat ka lumabas? Hinayaan ko na nga kayong kausapin si Wendy eh." sabi ko paglapit niya sakin. Andito ako nakaupo sa upuang gawa sa kawayan dito sa ilalim ng puno ng manga.

Lumabas talaga ako para makausap nila si Wendy.

"Mas mabuting sila munang dalawa ang mag-usap ng Dad mo. Ano pala yong binulong mo kanina ha?" tanong niya sabay sundot sa tagiliran ko.

Napangiti tuloy ako.

"Ano yon ha?" tanong ulit niya saka kumuha sa kinakain kong nilagang mani. May dumaan kasing nagtitinda kanina kaya bumili ako. Kumain din ako ng duhat kanina.

Masarap pala yon. Tuloy naging violet na mga daliri ko. Siguradong pati ngipin ko violet na din hehe.

"Sekreto. Amin lang ni Dad yon." sabi ko saka ako nagbukas ulit ng nilagang mani. Umupo din siya dito sa tabi ko at parehas ko ng kumakain.

Para lang kaming mga bata.

"Ang sarap magbakasyon dito sa province. Ayusin lang namin ng Dad mo yong problema sa Company saka kami babalik ulit dito."

Tumango lang ako.

Kumusta na kaya si Wendy at Dad don? Sana naman maging okay na sila. Alam kong mabigat din ang kalooban ni Dad dahil sa pagmamatigas ni Wendy.

"Mom hindi ka ba nagalit kay Wendy nong malaman mong anak siya ni Dad?"

"Nope."

"Bakit?"

"Wala namang kasalanan ang kapatid mo para magalit ako sa kanya."

"Eh kay Dad?"

"Hmm nong una nagalit talaga ako sa kanya nong sabihin niya na may anak siya sa iba. Hindi ko matanggap non kaya lagi siyang natutulog sa labas ng room dahil ayoko siyang kausapin" sabi niya na natatawa.

Kahit ako natatawa. Naiimagine ko kasi yong sitwasyon ni Dad non. Kawawa naman pala siya.

"Mom?"

"Hmm?"

"Ano palang gagawin ko para magustuhan nila ako?"

"Sino?"

"Parents ng babe ko."

"Ahh,Hmm sweetheart magpakatotoo ka lang. Hindi mo kailangan magpa-impress para lang magustuhan ka nila."

"Ang totoo kasi kinakabahan ako. Mahal na mahal ko si Anne. Natatakot ako baka pag nalaman ng parents niya na may relasyon kami eh baka paglayuin kami. Ayokong mangyari yon."

Habang nagda-drama ako panay naman ang subo sakin ng Mom ko ng nabalatang mani.

"Oh andiyan na pala Dad mo."

Nakayuko lang si Dad palapit sa amin.

Tumayo agad ako.

"Dad si Wendy?"

Tahimik lang siya. Halatang umiyak pano namumula yong mga mata. Tumakbo agad ako papunta kay Wendy nong hindi umimik si Dad.

"Wendz?"

Wala siya dito sa sala.

"Wendz?"

Pagpasok ko ng kwarto niya andon siya nakaupo sa gilid ng kama habang humihikbi.

Tumabi ako saka siya niyakap.

Mahigpit.

Yumakap din siya.

"Wendz tama na. Wag ka ng iiyak?"

Tumango siya pero sobrang tulo pa din ng luha niya.

"Jil-li-an" halos di niya masabi ang pangalan ko.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon