Chapter 23

72.5K 952 68
                                    

Jillian Fuentes

NAKAUPO ako dito sa gilid ng kama habang pinagmamasdan silang tatlo, ang himbing ng tulog nila. Halos wala naman akong tulog dahil sa kakaiisip kaya maaga akong nagising.

Napasandal ako sa headboard saka ko hinaplos ang noo ng babe ko. Kapag naaalala ko yong nangyari kagabi, magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman ko. Natutuwa ako dahil nagkaroon ng lakas ng loob ang babe ko na ipakilala ako sa mga magulang niya. Malungkot dahil hindi tanggap ng kanyang Ama ang relasyon namin pero ganon pa man, nagpapasalamat pa rin ako dahil andon yong suporta ni Nanay sa aming dalawa.

Tumingin ako sa relo ko, 5:42AM na.

Pasado alas sais sila madalas bumangon pero may mga kaluskos na akong naririnig mula sa kusina. Baka gising na si Nanay!

Yumuko ako saka ko kinapa yong tsinelas ko sa ilalim ng kama at dahan-dahan akong tumayo para hindi sila magising pero bago ako lumabas ng kwarto humalik muna ako sa noo ng babe ko saka ko inayos yong kumot na tumatakip sa kanilang tatlo.

Pinihit ko ang doorknob saka lumabas ng pinto. Diretso ako ng kusina pero wala si Nanay. Sumilip ako dito sa bintana at si Tito ang nakita ko sa labas habang nagsusuot ng bota. Mukhang papunta na siya ng bukid dahil may dala-dala siyang malaking sumbrero.

Himinga ako ng malalim saka sumandal dito sa pader. Pagsilip ko ulit sa bintana, hindi ko na makita si Tito. Mukhang nakaalis na.

Ilang minuto rin akong nakatayo rito sa tapat ng bintana nong maisipan kong sundan siya. Hindi dapat ako papatay-patay dahil baka mamayang gabi uuwi na rin kami ng babe ko. Kahit papaano makausap ko man lang si Tito.

Mabilis akong lumabas ng kusina at naglakad, nawala sa isip kong isuot yong jacket ko kaya tumatayo ang mga balahibo ko dahil sa lamig na dulot ng hamog. Hindi ko na matanaw si Tito pero tanda ko pa naman kung saan kami dumaan ng babe ko nong una niya akong ipasyal dito sa bukid. Palinga-linga lang ako, maraming nagbago dahil dati tuyot ang lupa pero ngayong panahon na 'to karamihan kulay berde ang buong kabukiran dahil sa mga palay na halatang katatanim pa lang. Tumigil ako dito sa ilalim ng isang malaking puno ng manga na mukhang daang taon ng nabubuhay. Napatingala ako at kasabay non naguumpisa na ring sumilip ang araw. Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Aiiish!"

Napasigaw ako dahil hindi ko inaasahang lulubog yong isang paa ko dito sa gilid ng pilapil, basa at malambot ang lupa.

Asar!

Pilit kong itinaas yong paa ko pero naiwan yong tsinelas ko sa ilalim ng lupa.

Ano ba naman to!

Lumuhod ako saka ko kinapa yong tsinelas ko.

"Ayon! Haha!"

Nakuha ko na!

Ang problema puro putik na tong damit ko, kamay ko at paa ko. Tumayo na ako at nong may makita akong mahabang kahoy pinulot ko. Ginawa kong tungkod.

Maliwanag na ang buong paligid at sa di kalayuan natatanaw ko ang isang lalaki, baka si Tito na iyon!

Mabilis akong naglakad at hindi ako nagkamali, si Tito nga habang nagaararo. Lumapit ako at kahitmaputik lumusong pa rin ako at nilapitan siya.

"Tito good morning po, baka pwede ko po kayong makausap?"

Wala siyang imik patuloy lang siya sa ginagawa niya.

"Tito-"

Nakailang tawag ako sa kanya nong bigla siyang tumigil at hinila yong tali ng kalabaw.

"Ano bang kailangan mo?"

"Y-yong tungkol po sa amin ni Anne Tito."

Dalawang dipa lang ang layo ko sa kanya pero hindi man lang niya nagawang lingunin ako.

Flares of Dawn | Jillian Fuentes Book 2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon