Chapter 25

67K 943 63
                                    

Jillian Fuentes

NAGLALAKAD ako dito sa hallway, pababa ako ng sala para kausapin ang lahat ng kasambahay namin.

Napansin kong nakatayo na silang lahat sa baba ng hagdan. Nasa dalawampo ang kasama kong kasambahay dito, kasama na ang mga gwardiya. Mula pagkabata ko sila na ang naging kasa-kasama ko. Yong iba, dito na tumanda. Wala pa ako sa mundong ito ay naninilbihan na sila sa mga magulang ko.

"Good evening po sa inyong lahat." 

Tahimik silang nakatingin sa akin. First time kong

gagawin to, ang kausapin silang lahat.

"Pinatawag ko po kayong lahat dahil may mahalaga akong sasabihin."

Tahimik pa din sila.

Paano ko ba sisimulan to?

"Uhmmm... susunduin ko bukas si Wendy, ang nag-iisang kapatid ko na nasa probinsiya. Dito na siya titira kasama nating lahat."

Ayon, at nagkatinginan sila. Nagtataka siguro sila dahil sa tagal ng panahong nanilbihan sila sa amin ngayon lang nila malalamang may kapatid ako.

"Hinihiling ko lang po sa inyong lahat na kung paano niyo ako trinato at minahal ganon din po sana ang kapatid ko. Ayokong may maririnig na kahit anung usap-usapan na manggagaling sa inyo. Lahat ng iuutos niya sundin niyo, lahat ng hilingin niya ibigay niyo."

"Opo Mam Jill." sagot nila.

"Iyon lang, salamat po."

Umakyat na ulit ako ng kwarto ko. Kinuha ko lang yong jacket ko saka lumabas din ng bahay. Susunduin ko ang babe ko sa work niya.

Ilang saglit lang ang byahe ko at pagdating ko sa tapat ng restaurant tamang tama naman ang paglabas niya.

Nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Hi, Babe."

"Bakulaw!"sigaw niya.

Bigla na lang siyang naglakad ng mabilis saka patalong yumakap sakin.

"Jillian!"

Napapangiti tuloy ako habang nakahapit sa bewang niya.

"Bakit parang masaya ang babe ko?"

"Hmm wala lang. Namiss lang kita."

"Talaga?"

"Oo sobra.."

Nakakapagtaka dahil ngayon ko lang siyang nakitang ngiting-ngiti kagaya ngayon.

"Tara Jillian wag ka ng tumanganga diyan."

Hinila niya ang kamay ko papuntang kotse.

"Naeexcite ka bang umuwi?"

"Hindi naman."

"Eh ano pala?"

"Hmm Jillian alam mo ba kanina dumating yong Area Head namin. Tapos natuwa siya sa performance ko. Wala kasi akong late at never pa akong na-short sa kaha ko. Kaya tuwang tuwa ako dahil Very Good ako sa kanya."

"Ahhh" tumango-tango ako. "Kaya pala masaya ka akala ko naman namimiss mo ako."

"Eiii Jillian namimiss din naman kita. Tsaka kung hindi mo naman ako hinahatid malamang lagi akong late."

Hindi ko na siya pinansin.

"Jillian!! Hoy pansinin mo nga ako! Hindi ka ba natutuwa dahil Very Good ako?"

"Natutuwa." seryosong sagot ko.

"Eii hindi ka natutuwa, Jillian....hoy...pansinin mo ako.."

Natatawa ako sa loob-loob ko dahil para siyang bata na nagmamakaawa para pansinin ko siya.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now