Chapter 35

50.8K 885 61
                                    

Jillian Fuentes

"Yana, wala ka pa bang balita kung nasaan sila Wendy?" 

Tumawag ulit ako kay Yana habang nasa biyahe. Nagbabakasakali ako na baka nakita ng mga kaibigan niya sina Wendy at Pam.

Yong dalawang yon! Madadagukan ko talaga sila pag nakita ko!

"Jill, subukan mong pumunta sa EL Cafe'. Mukhang andon yong hinahanap mo."

"Okay, thanks Yana."

"Balitaan mo na lang ako Jill kung sakaling makita mo sila don."

"Sure."

Mas lalo kong binilisan ang pagmamaneho. Napuntahan ko na minsan yong bar na tinutukoy ni Yana kaya hindi na mahirap para sakin na hanapin yong location non. Pasalamat talaga ako may mga kaibigan ako na nakakatulong sakin sa mga ganitong sitwasyon, saang lupalop ko naman kaya hahanapin yong dalawa kung wala ang mga kaibigan ko.

Halos kalahating oras din ang byahe ko bago nakarating dito sa El Cafe' at pag baba ko ng sasakyan napansin ko agad yong kulay puti na sasakyang gamit ni Wendy na nakapark dito sa harapan ng gusali. Naglakad na ako patungong bar, saka itinulak ang glass-door at pumasok. Maririnig mo ang ingay ng mga tao habang sinasabayan ang kinakanta ng banda....salsa music. Agad kong itinuon ang tingin ko sa stage at sa unang sulyap ko pa lang nakita ko na agad si Wendy. Siya pala ang sinasabayan ng mga tao, hindi ko akalaing mahilig pala siya sa mga ganitong klaseng kanta. 

"Excuse me!" sumiksik ako dito sa mga nagsasayaw dahil kailangan kong makalapit kay Wendy kaso halos hindi ako makahakbang dahil ang daming tao.

Pilit kong itinutulak ang kung sino mang nakaharang sa harapan ko para lang makalapit kay Wendy.

"Hey Jill!....Jill!!"

Natigilan ako nong marinig kong may tumawag sa pangalan ko at maramdaman kong may humawak sa braso ko, paglingon ko nakita ko si Pam. Sumenyas siya sakin na parang gusto niyang umalis kami dito sa kumpulan ng mga tao kaya sumunod na lang ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" pasigaw na tanong niya sa akin.

"Kayo ang dapat tatanungin ko! Anong ginagawa niyo dito?!"

"May nag-invite kasi kay Wendy. Sumama lang ako dahil wala akong kasamang matitira sa bahay niyo."

"Hindi ba kayo marunong tumawag o magtext man lang bago umalis?!"

Nakapamaywang ako habang kinakausap si Pam. 

"Lobat kaming pareho dahil nagmadali kaming pumunta rito. Biglaan lang."

Pinipilit kong kumalma dahil talagang umiinit ang ulo ko sa mga 'to.

"Pano mo pala nalamang andito ako?" tanong ko sa kanya. Kahit nasa gitna ako ng kumpulan ng mga tao nakita pa rin niya ako.

"Alam mo naman basta ikaw Jill lumilinaw ang mata ko." sagot niya sabay ngiti at hawak sa braso ko.

"Tigilan mo ako, Pam. Yong totoo?"

Mas lalong napahigpit yong hawak niya sa braso ko saka nangaakit na tumingin sa mga mata ko.

"Pagpasok mo pa lang kanina namukhaan na kita kaya sinundan agad kita."

Tumango-tango lang ako saka tumingin ulit kay Wendy na kumakanta pa rin hanggang ngayon.

"Sayaw tayo, Jill."

Napatingin ulit ako dito sa katabi ko, nagsasayaw na siya habang nakahawak sa kamay ko. She danced so well, konting indak lang niya malalaman mong magaling siyang sumayaw. Sabagay, minsan ko na siyang napanuod noon sa probinsya na sumasayaw habang kumakanta kasama si Wendy. Medyo naaasiwa lang ako dahil madalas siyang tumitig sa akin at yong mga ngiti niya parang laging nangaakit.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now