Chapter 59

28.2K 719 28
                                    

Anne Del Rio

HABANG lumilipas ang mga araw lalong ipinaparamdam ni Jillian sakin ang pagmamahal niya at sa lahat ng pagkakataon ay bumabawi siya sa akin para mapunan ang mga panahong wala siya sa tabi ko.

Ano pa ba'ng mahihiling ko?

Si Jillian lang naman ang dahilan kung bakit ako masaya.

Buti na lang hindi ako sumuko sa relasyon namin dahil kung sumuko ako noon baka puro ako pagsisisi ngayon.

Katatapos ko lang maligo nong maabutan ko si Jillian na nagluluto ng agahan. Napapangiti ako dahil naka panty at bra lang siya habang nakasuot ng apron. Ang sexy niyang tingnan lalo na pag nakapusod pataas ang buhok niya.

Mukhang nagpapraktis ulit siyang magprito ng itlog.

"Babe, nakaluto na ako. Husgahan mo na."

Magkasalubong ang mga kilay niya habang hawak ang sandok at kawali.

Natatawa tuloy ako sa itsura niya. Mukhang hindi siya satisfied sa ginawa niya pero halata namang pursigido siyang matuto.

"Sige pupunta ako diyan."

Isinampay ko muna ang towel na ginamit ko saka ako lumapit sa kanya.

"Anong masasabi mo babe?"

"Konting praktis pa, Jillian. Hindi dapat masyadong toasted ang pagluto mo ng egg dahil hindi na ito healthy."

Sunog ang niluto niyang scrambled egg at halatang nalungkot siya sa sinabi ko.

"Kaya mo yan, Jillian. Magsalang ka ulit aalalayan kita."

"Sige babe."

Hindi ko mapigilang pagmasdan si Jillian.

"Ang sexy mo namang Chef, Jillian. Para tuloy ang sarap magbreakfast."

Napangiti ito habang abala sa ginagawa niya.

"Kanina pa nga kita inaakit kaso dinadaan-daanan mo lang ako. Akala mo ata poste tong nagluluto dito."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Ikaw talaga, ayusin mo yang pagluluto mo."

Tumango naman siya.

"Magbibihis lang ako Jillian, ha?" Paalam ko sa kanya sabay pisil sa tagiliran niya.

Iniwan ko ulit siya sa kusina at nagtungo dito sa kwarto.

"Babe, nakaluto na ulit ako. Tikman mo nga kung pwede na."sumilip si Jillian sa pinto. Tamang tama naman nakabihis na ako.

Umupo na ako habang siya ay naghihintay ng comment sa niluto niya.

Kumuha ako ng tinidor saka humiwa ng kapirasong itlog na niluto niya saka sumubo.

"Mhmmmm. Hindi mo masyadong nahalo yong egg bago iprito. May portion kasi na maalat tapos may portion naman na walang lasa."

Halatang nanlumo siya na ikinangiti ko.

"Ulitin ko ulit babe."

"Hindi na. Umupo ka na dito. Sa susunod haluin mo munang mabuti para pantay yong lasa."

Tumango naman siya saka sumubo ng niluto niya.

"Iba talaga pag ikaw ang nagluluto babe, masarap. Pag ako ang nagluto disaster."

"Mapapraktis mo din yan. Tapos sa susunod tuturuan kitang maglaba."

"Ano?!"

"Oh nagrereact ka na naman. Eh, sinong mag aasikaso sa akin pag nilagnat ako?"

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now