Chapter 11

106K 1.2K 228
                                    

Jillian Fuentes

Dahan-dahan akong naglakad palapit kay Wendy. Nakatalikod siya habang nagwawalis sa ilalim ng puno ng manga. Tahimik lang ako para di ako mahalatang papalapit sa kanya.

"Bulaga!"

"Ay! Ano ba!" Sa sobrang gulat niya naihagis niya yong walis na hawak niya haha. Kaso mabilis din niyang napulot saka niya ako hinabol.

"Walangya ka Jill!"

Hehe

"Uy, Wendz di ka na mabiro, oh!"

Binagalan ko konti yong takbo ko at paatras akong humahakbang habang nakasunod naman siya. Naghahabulan kami dito sa may silong ng manga.

Namiss ko tuloy tong masungit na to!

"Walangya ka! Bumalik ka dito!"

Umiling-iling ako.

Natatawa ako kasi ang sama ng tingin niya sakin hehe at hinabol ulit niya ako pero mabilis naman akong tumakbo! haha. Hindi niya alam na dadating ako kaya ginulat ko siya.

"Pag di ka lumapit hindi na kita papapasukin sa bahay ko!"

"Andaya!!! Kainis ka naman eh!"

"Ikaw diyan yong nanggugulat tapos ako pa nakakainis?! Bahala ka di kita pakakainin!"

"Aish! Asar! Lalapit na!!!"

Wala na ako nagawa, nakasimangot akong lumapit sa kanya. Gutom na ako tas di ako pakakainin?!

"Ikaw ang kulit mo ha!" pagkasabi non tinuktukan agad niya ako. Nagkakamot tuloy ako ng ulo ngayon.

"Wendz miss na miss kita." sabi ko saka ako humalik sa pisngi niya.

"Sus, Miss daw! Tagal mo nga di dumalaw dito!"

Hmm? Ibig sabihin namiss din niya ako? Natutuwa naman ako.

"Napapanuod mo pa rin ba yong mga laro ko?"

"Oo, talo naman kayo eh."

"Uy, ano ka babawi kami no! Medyo nahirapan kami sa first game namin kasi Open Conference na yong league ngayon. Maraming biterana na sumali sa ibang team."

Tatango-tango lang siya sa sinabi ko.

Ang tagal ko din hindi nakapunta rito. Maliban sa mga kaibigan ko si Wendy ang naging takbuhan ko nong time na hindi kami okay ng babe ko dahil hindi siya sumipot sa first monthsary namin. Pero tapos na yon, ngayon okay na kami ng babe ko. At pasalamat ako dito sa isang masungit na babaeng ito dahil di niya ako pinabayaan non.

"Asan si Pam? Himala wala siya dito?" tanong ko.

Si Pam yon yong makulit na co-singer ni Wendy na laging yumayakap sakin at humahalik sa pisngi ko.

"Busy siya, malapit na siyang umalis ng bansa papuntang Korea."

"Aalis na siya? Saglit! Pano ka dito pag wala siya?"

Sa kasungitan neto si Pam lang ang alam kong kaibigan niya dito eh. Pag umalis si Pam baka wala ng kumausap sa kanya.

"Okay lang. Sanay akong magisa. Si Anne bat di mo sinama?"

"May pasok siya sa part time job niya pag ganitong Saturday. Bat ang sama pa din ng tingin mo sakin? Tinuktukan mo na nga ako."

"Eh kasi hindi ka pa din nagbabago! Ang kulit-kulit mo pa rin!"

"Anu gusto mong mangyari gumaya ako sayo? Masungit tas hindi nagsasalita? Baka masabihan tayong magkapatid na weird!"

"Tse!"

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now