Chapter 27

70.7K 938 102
                                    

Anne Del Rio

NAPAKABILIS dumaan ng mga araw. Kung pwede ko lang sanang hilain o patigilin ang oras gagawin ko para lagi kong makakasama si Jillian. Ayokong matapos ang semester na to dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nangako ako sa kanya na ipaglalaban ko siya pero hindi ko akalaing magiging ganito kakumplikado ang lahat. Napakahirap pa rin talaga dahil minsan nawawala yong lakas ng loob ko lalo na pag mag-isa ko lang, o kaya kapag hindi ko nakikita si Jillian. Pero pag andiyan siya, laging buo ang loob ko. Nagagawa kong maging matapang kapag kasama ko siya.

"Anne baka naman pwede ng makuha yong number mo?"

Natigilan ako sa pag-iisip.

Nakaupo ako dito sa desk ko nong biglang lumapit yong mga kaklase kong lalake.

"Oo, nga naman Anne. Pahingi naman ng number mo? Ayaw kasing ibigay ng mga kaklase nating babae eh."

"Laging humaharang si Jillian pag hinihingi namin yong number mo."

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanila dahil ayaw na ayaw ni Jillian na ibibigay ko ang number ko lalo na sa mga lalake, kahit dito sa mga kaklase namin. Ayaw niya. Wala pa naman siya dahil tinawag ng Coach nila.

Napakamot ako dito sa sintido ko saka ko kinuha yong phone ko sa bulsa. Memorize ko naman yong number ko pero kinuha ko pa rin yong phone ko. Pinapatagal ko lang baka sakaling dumating si Jillian.

"Yon oh! Ibibigay na ni Anne. Ayos!"

Tuwang tuwa sila.

Bahala na! Nakorner na nila ako eh.

"Tabi! Tabi! Tabi! Bakit niyo pinagkakaguluhan tong asawa ko, ha?!"

Nagulat na lang ako nong biglang pinagdadagukan ni Jean tong mga kaklase naming nakapalibot dito sa upuan ko.

"Jean, wag mo sasabihing natotomboy ka na kay Anne?"

"Natotomboy ang pinagsasabi niyo! Eh di hamak na mas guapo ako sa inyo kahit mahaba ang buhok ko! At eto tandaan niyo!" pinagduduro niya isa-isa yong mga pagmumukha ng mga kaklase namin. "Kapag ako nagpagupit ng maiksi magtago na kayo baka mapahiya pa kayo!"

"Grabe, napakayabang mo talaga Jean. Number lang ni Anne ang kailangan namin. Hindi ikaw! Wala kaming paki alam diyan sa itsura mo!" sabi ng isang kaklase namin.

"At bakit? Nakikita niyo na nga siya araw araw kukunin niyo pa yong number niya? Mahiya nga kayo sa mga pagmumukha niyo. Oh eto ang number ko." nilabas ni Jean cellphone yong niya.

"Tsk! Ayaw namin niyan. Di kami interesado sayo. Number ni Anne ang gusto namin!"

"Oo nga." sang ayon ng iba.

"Eh mga gagu pala kayo! Lalong hindi ako interesado sa inyo dahil ang papangit niyo! Magsilayas nga kayo sa harapan ko! Baka mahawa pa ako sa mga pagmumukha niyong pangit!"

"Wala na naman mga bro. Ibibigay na dapat ni Anne yong number niya eh. May kontrabida kasi!"

"Ako?! Kontrabida?! Eh yang mga mukha niyo palang pang kontrabida na! Tandaan niyo to ha! Kapag nakita ko isa sa inyo na lumapit pa kay Anne para kunin ang number niya makakatikim kayo ng sapak sa akin. Layas!"

Natatawa ako na naiiling, grabe kung magsalita si Jean. Kahit mga lalake mukhang ayaw siyang patulan. Takot kaya sila? Pero buti na lang dumating siya kung hindi baka dagukan ako ni Jillian pag nalaman niyang binigay ko sa mga kaklase naming lalake yong number ko. Baka sabihin pa niyang naglalandi ako.

"Babe, ano okay ka lang?"

"Babe ka diyan! Si Jillian lang ang babe ko."

"Eiii ang korni mo!"

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now