Chapter 58

27.1K 826 116
                                    

Jillian Fuentes

Nakatayo ako ngayon dito sa tapat ng pintuan ng apartment ni Anne.
Tatlong beses akong kumatok at agad naman niya akong pinagbuksan.

"Hi good morning."

Isang tipid na ngiti ang binigay niya sa akin saka nito kinusot ang mga mata niya.

Halatang kagigising lang niya.

Pag pasok ko ng pinto agad akong yumakap sa likod niya.

"Kumusta ang tulog ng babe ko?"

Hindi siya sumagot umikot lang ito saka yumakap sa leeg ko.

"Inaantok pa?"

"Oo, matutulog pa ako. Jillian, pwede mo ba akong ipagluto ng itlog tsaka kape?"

"Huh? Uhh babe, gusto mo ba ibili na lang kita?"

Umiling ito sa balikat ko.

Bigla tuloy kumabog ang dibdib ko dahil sa nerbyos.

Naglalambing ba siya o gumaganti dahil hinayaan ko siyang kumanta nong isang kagabi?

"Ayaw mo ata huwag na lang."may pagtatampong sabi niya.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin pero hawak ko pa rin ang kamay niya.

"Matatanggihan ko ba ang magandang babe ko. Syempre ipagluluto kita."

Ngumiti ito at naglakad na pabalik ng room niya.

Hindi ko na siya naawat pa dahil ang utak ko ngayon ay abala na sa pag iisip kung paano ko matutupad ang request niya.

Aiiiish!!!!

Napasubo na naman ako!

Saglit! Paano ba ang magluto ng itlog?

Mabilis kong kinuha ang phone ko sa bulsa saka tumawag kay Jean.

"Hello? Ang aga-aga istorbo!"

"Jean! May problema ako!"

"Alam ko, matagal mo ng problema yang mukha mo!"

"Hindi yon!"

"Ahh may iba pa ba? Ano?"

"Paano ba magluto ng itlog? Gustong kumain ng itlog ni Anne."

"Ipakain mo yang itlog mo."

"Ano ba! Wala akong itlog!"

"Wala rin akong itlog kaya hindi ako marunong magluto, leche! Matutulog pa ako!"

"Bwiset!"sigaw ko sa phone.

Matalino pero wala namang alam!

Asar!

Sunod kong dinial ay number ni Yana. Marunong magluto si Yana kaso hindi sumasagot ang bruhang iyon.

Shet!

Sinubukan ko yong number ni Ellaine.

Swerte nag ring!

"Hello?"

"Ellaine, may problema ako."

"Na naman?"

"Grabe ka ang sakit mo namang magsalita."

"Ano ba yon? Si Anne ba?"

"Oo eh. Gusto kasi niyang ipagluto ko siya ng itlog. Turuan mo nga ako."

"Mhmmm Jill common sense lang yan. Para ka lang kumakain."

"Okay."

"Ayun."

"Asan yong procedure don?"

"Eh wala. Ang totoo hindi pa ako nakakapagluto ng itlog pero nakahawak na ako."

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now