Chapter 3

89.3K 997 39
                                    


Anne Del Rio

Parang gusto kong umiyak! Hindi makatarungan ang mundo! Ayokong tumigil sa pagaaral. Pero anong gagawin ko ngayong nawalan ng trabaho si Tito saan ako kukuha ng pang tuition ko? Kanina habang magkausap kami sa phone ni Tito para akong binuhusan ng malamig na tubig nong ibalita niyang nawalan siya ng trabaho. Hindi naman niya sinabi kung bakit at papano nangyari at bigla na lang siyang nawalan ng trabaho. Pakiramdam ko tuloy ayaw na nila akong tulungan.

Anong gagawin ko ngayon? Sina Tatay wala naman mapagkukuhanan yon.

Magdamag nakatulala lang ako at nakatingin sa kisame. Paano ang apartment ko? Saan ako kukuha ng pambayad nito?

Maloloka na ako!

Tumayo ako saka kinuha 'tong bag ko. Matapang ako! Kaya ko 'to!

Matapang ako pero eto dilat, nakatingin sa relo. Papasok pa ba ako bukas? Wala naman ako pangbayad sa tuition fee kapag itinuloy ko pa 'to, di ba?

...

Kahit alam kong wala akong pangbayad ng tuition fee ay pumasok pa rin ako. Hindi ko pa nakakausap sina Tatay. Ayoko rin naman silang kausapin ngayon baka mag-iyakan lang kami.

"Anne! You're early." Napalingon ako sa likuran ko. Si Ms. Jack pala.

"Goodmorning Ma'am." bati ko sa kanya saka pilit na ngumiti.

"Where's, Jill? Hindi ka ba niya sinundo?"

"Ah----" Oo nga 'no. Nawala sa isip kong hintayin si Jillian.

"Naku po malilate na ako, Mauna na ako sayo, Anne. See you later." hindi na ako nakasagot. Umalis na siya at mabilis na naglakad. Nawala talaga sa isip kong hintayin si Jillaian. Tumalikod ako para bumalik sa apartment pero bago pa ako makahakbang nakita ko na siyang palapit sa akin. Ngiting ngiti ang bakulaw.

"Kumusta ang maganda kong girlfriend?" tanong niya habang magkatapat na kami at magkatitig sa isa't isa.

"Eto maganda pa rin ako bakulaw. Ikaw kumusta?"

"Eto cute pa rin." Napapangiti tuloy ako. Kahit papaano nababawasan yong iniisip ko pag kasama ko siya, kaso minsan ayokong makita niya ako na problemado.

"Tara, babe?" Hinawakan niya ang kamay ko saka sabay na kaming naglakad papuntang classroom. Paano kapag tumigil ako ng pagaaral? Paano si Jillian? Ayoko siyang iwanan.

Unfair! Napaka unfair talaga ng mundo! Bakit ganon?

"Babe, lagi kang tulala. Kung may problema i-share mo sa akin. Huwag mong sasarilihin lahat, okay?" natigilan ako sa pagiisip saka ako tumingin sa kanya.

"Wala 'no." Kinuha ko yong notebook ko saka nagbasa. Ayoko munang sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung paano, saka na lang siguro.

"Goodmorning class." napatingin kaming lahat sa may pintuan. Andito na yong Prof namin.

"Goodmorning Sir" bati ng mga kaklase namin. Hindi tuloy ako makapagconcentrate nang mag-start na yong class namin. Kung bakit naman bigla-bigla nagpaquiz agad 'tong Prof na 'to!

"Ay grabe! Bwisit na Prof yon! Akalain mo magpa-paquiz pala!" reklamo ni Jo. Nanndito kaming apat sa bench nakaupo habang naghihintay sa next subject namin.

"Jo, huwag ka ngang nagre-reklamo. Alam mo namang tayong dalawa lang hindi nakakasagot pag may quiz, eh. Ipapaalala mo pa." si Jillian. Napapailing ako dito sa dalawa. Sa totoo lang kami ni Jean ang nangunguna lagi sa klase. Matalino si Jean at ni minsan hindi ko siya nakitang nagreview dito sa school. Sa ngayon hindi ko magawang makapag contrate sa mga lessons namin.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now