Chapter 15

65.7K 840 22
                                    

Wendy Hernandez

Katatapos ko lang maghugas ng plato. Kasama kong kumain ng tanghalian ang Lolo at Lola ko dito sa bahay. Pumunta sila rito para maghatid ng mga gulay at yong kamoteng kahoy.

Maalala ko si Jillian nong pumunta rito. Kasama kong kumuha ng kamoteng kahoy yon sa bukid. Natutuwa din ako sa kapatid kong yon. Ang kulit kulit!

Puro pa pagkain ang nasa utak. Akala mo naghihirap at walang makain.

"Chuchay aalis na kami ng Lolo mo at magpapakain pa kami ng mga aso. Baka gutom na mga yon." si Lola.

Mahal na mahal talaga niya yong mga aso nila.

"La iuwi niyo na yong bahaw sa kaldero."

"O sige akin na."

Nilagay ko na lahat sa isang plastik saka ko inabot sa kanya. Si Lolo naman nagkakape pa sa ilalim ng punong mangga. Kahit mainit ang panahon nakahiligan na nilang magkape.

Matatanda na rin sila pero malalakas pa. Kahit higit setenta anyos na sila nagagawa pa nilang magtanim ng mga gulay. Si Lolo nakakapag-araro pa nga.

"Kunin mo tong baso at aalis na kami." si Lolo nong matapos siyang magkape.

Hinatid ko na sila sa may kalsada saka pumara ng tricycle na sasakyan nila. Medyo malayo din kasi yong bukid.

Bumalik na ako dito sa bahay saka naligo.

Habang nagbubuhos ako ng tubig sa katawan ko naalala ko si Jill.

Namimiss ko din talaga yong makulit na yon.

Kelan kaya babalik yon?

Hindi ko talaga lubos akalain na magiging magaan ang loob ko sa kanya kahit may galit ako sa Tatay niya.

Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako saka ko kinuha yong guitara ko.

Umupo muna ako dito sa upuang kawayan dito sa sala habang hawak tong guitara ko.

Medyo luma na to ppero maayos pa din yong tunog. Magpa-praktis lang ako at kailangan kong dagdagan yong pondo ko ng mga bagong kanta. Madalas kasi pag may Gig kami laging request ng mga tao yong mga bagong songs.

Sinimulan ko ng magstram saka kumanta.

"Stop me on the corner. I swear you hit me like a vision. I, I, I wasn't expecting. But who am I to tell fate where it's supposed to grow it."

May kumatok pero di ko pinansin. Baka mga bata na nagtatakbuhan na naman at mahilig kumatok sa pinto.

"Don't you blink, you might miss it. 'Cause it ain't every day you get the chance to say. Oh this is how it starts,lighting strikes the heart-"

May kumatok ulit.

Tinigil ko muna pag-gigitara ko saka ako tumayo para alamin kung sino yong kumakatok. Kulit eh!

"Huwah!"

Napangiti ako.

"Baliw ka talaga!"sabi ko.

"Kumusta Voc?"

"Ayos lang. Bat napadpad ka?"

Akala ko kung sino. Si Pam lang naman pala. Sabagay siya lang naman laging pumupunta rito e.

"Dinala ko lang tong hiniram kong bag sayo."

Inabot niya sakin yong travelling bag na hiniram niya nong magpunta sila ng Bohol ni Greg.

"Pasok ka." sabi ko.

"Wag na. Dinaan ko lang yan. Ah nga pala, di pa pumapasyal si Jill?"

Umiling lang ako. Kapag pumupunta dito si Pam laging si Jill ang hinahanap.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now