Chapter 31

59.2K 952 108
                                    

Jillian Fuentes

MASAKIT ang ulo ko paggising ko, para itong pinipiga. Hindi ko alam kung epekto ba to ng pagkabitin ko kagabi o dahil kulang lang talaga ako sa tulog. Loko kasi tong babe ko! Dinadramahan lang ata ako kagabi. Andon na eh, ang sarap na ng ginagawa niya sakin tapos biglang masakit daw ang tiyan niya! Hay naku! Nakakabanas lang! Pag napatunayan kong drama lang yon lagot talaga siya sakin!

Umupo na lang muna ako dito sa tabi ng kama, habang siya nama'y tulog pa rin.  Sigurado akong gising na rin sina Wendy at Pam sa bahay, naghihintay na siguro yong mga yon sa amin ng babe ko. Sinabihan kasi ako kagabi ng Sis ko na isama si Anne sa paguwi ko ng bahay kasi magluluto daw siya for lunch. Habang tumatagal nagiging cool na rin yong Sis ko at madalas nakikijamming sa Bar ni Yana. Medyo mabait na rin. Nakakatuwa lang kasi sa iksi ng panahon na magkasama kami mabilis siyang nakapag-adjust.

Kaso ito namang babe ko napapansin ko nagiging pilya na. Tama bang akitin ako at painitin tas biglang bibitinin?! Hinala ko talaga drama lang yon eh, dahil kung masakit ang tyan niya bakit nakatulog siya agad? Tapos nagawa pa niya akong lambingin kagabi. Asar! Humanda talaga siya sakin!

Tumayo na ako para maligo, kinuha ko yong towel na nakasampay sa likod ng pintuan saka dumiretso ng banyo.

Pagkatapos kong maligo naabutan ko siyang nagtitimpla ng kape. Ngumiti siya sa akin saka binalik ang tingin sa ginagawa niya. Ang sexy niyang tingnan sa suot niyang nighties habang nakalugay ang buhok. Lalo lang akong nananabik sa kanya pag nakikita ko siyang ganyan, kaakit-akit talaga. Nakakapagtaka lang hindi nawawala yong mga ngiti sa labi niya. Hmmm sigurado akong may tinatago to! Pag tumitingin kasi siya sakin hindi niya napipigil ang ngiti niya, kilala ko na siya. Madalas seryoso lang yan pag nagigising. Titingin sa akin tapos hihikab. Minsan hindi ako pinapansin at higit sa lahat hindi yan lalabas ng kwarto para lang magtimpla ng kape. Sigurado ako pag gumigising yan diretso yan sa sofa saka iidlip ng ilang minuto tapos uupo at yayakap sa tuhod niya. Tsk! Ang weird niya!

"Masakit pa ba tyan mo?" tanong ko habang tinutuyo ng towel tong buhok ko. Umiling siya saka humigop ng kape at lumapit sakin.

"Magcoffee ka muna, babe." nakangiting sabi niya.

Babe? Hmp! Inirapan ko nga siya saka sumimangot. Kinuha ko na lang yong kape saka uminom. Asar!

"Magbihis ka. Uuwi tayo ng bahay, sabi ni Wendy isama kita kasi magluluto siya para sa lunch mamaya."

Biglang nag-iba yong aura niya.

"Hmp! Ayokong pumunta. Ikaw na lang. Sigurado namang mag eenjoy ka don dahil andon yong si Pam mo!"

Hay ang  aga-aga eto na naman po siya.

"Hindi ko siya Pam! Bahala ka pag nagalit sayo si Wendy. Alam mo na nga yong ugali non."

"Sabihin mo na lang na masakit ang tiyan ko Jillian? Please, ayoko kasing makita yong kerida mo." 

"Excuse me! Hindi ko siya kerida tsaka kasasabi mo lang na hindi na masakit ang tiyan mo ah! Pagsisinungalingin mo pa ako."

"Hmp! Pasalamat ka nga hinahayaan kong makapiling mo yong kerida mo!"

"Ang kulit mo! Hindi ko siya kerida! Inisin mo pa ako gagahasain kita!"

"Ah makulit pala ha?! Lumayas ka na nga!"

"Aissshhh....babe ano ba!!!! Saglit! Uy uy uy nagbibiro lang ako babe, hindi ka makulit. Biro lang yon. uy!"

Nakikipagtulakan ako dahil pilit niya akong pinapalayas. May hawak pa naman akong tasa ng kape baka maibuhos sa aming dalawa. Kaso kahit anong gawin niya di hamak namang mas malakas ako kaya wala siyang nagawa.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now