Chapter 1

147K 1.7K 151
                                    

Anne Del Rio

Katatapos lang namin magdinner ni Jillian. Karamihan grilled seafoods ang sinerve sa amin at yong ibang dish ewan ano tawag don pero masarap. Hanggang ngayon masakit pa din yong mata ko dahil sa kaiiyak kanina. Akala ko mamatay na ako at hindi ko na makikita 'tong bakulaw ko. Yon pala siya din nagpakidnap sa akin.

Kainis! Ganon siya ka-sweet!

Nandito na kami sa Master cabin ng Yacht. Nakaupo ako dito sa gilid ng kama habang nakahiga naman siya, nakayakap sa bewang ko.

"Babe, huwag ka nang iiyak." mas lalong humigpit yong yakap niya sa akin habang nakaupo ako.

"Oo hindi na ako iiyak. Pagod na ang mga mata ko bakulaw ka!"

Napapangiti siya.

"Babe, tingnan mo 'to." inabot sakin ni Jillian yong phone niya. Pagtingin ko sa screen napangiti ako. Picture naming dalawa na pinagdikit niya.

"Di ba, ang ganda babe? We look cute together. Bagay na bagay tayo." sabi niya sabay ngiti.

"Mas cute 'to kung ako lang andito." biro ko.

"Ano? Grabe ka!" Iaabot ko na sana yong phone niya nong bigla ko na swipe yong screen. Tumaas ang kilay ko.

"Sino to?"

Pansin kong nanlaki yong mata niya nong ipakita ko sa kanya yong picture ng babae na nakasave sa phone niya.

"Ah ano- si-sino nga ba yan?"

Naningkit yong mata ko sa kanya.

"Babe, baka si Jean hiniram niya tong phone ko nong nakaraan baka GF-----."

"Magpapalusot ka pa! Phone mo 'to!" Padabog akong tumayo saka binato sa kanya yong phone niya.

"Aray, babe!"

Kainis! May ibang picture ng babae sa phone niya! May pa-surprise surprise pa siyang nalalaman at kinidnap pa ako para sa date na 'to tapos makakakita lang ako ng ibang picture sa phone niya! Babaeng naka two piece pa!

"Babe, wait!" lalabas na sana ako ng cabin pero dali-dali siyang tumayo saka niya hinawakan ang braso ko.

"Bitawan mo nga ako! Naiinis---" bago ko pa matapos ang ano mang sasabihin ko, hinila niya ako palapit sa kanya at bigla niya akong siniil ng halik. Mabilis na gumapang ang init sa buong katawan ko, pakiramdam ko biglang nanlambot ang mga tuhod ko sa mga halik niya. Natutunaw ako.

Naramdaman ko na lang ang mumunting boltahe ng kuryente na gumapang sa buong katawan ko nong ipasok niya yong dila niya sa loob ng bibig ko.

"Mmm..." napaungol ako. Pakiramdam ko sasabog ano mang oras ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Ibang-iba siya ngayon.

"Babe, huwag kang aalis, please." bulong niya. Naging mas mapusok ang mga halik niya na dahilan ng paglakas ng kabog ng puso ko. Halos mabingi ako lalo na nong gumapang ang mga labi niya pababa sa leeg ko. Mas lalo akong nakakaramdam ng init habang paulit-ulit niya akong hinahalikan.

"Mmm Babe I want you." muling umakyat ang mga labi niya at may pagkapilyang kinagat yong tenga ko.

"Ahhh Jillian..." napasinghap ako. May gumapang na masarap na kilabot sa buong katawan ko ng dumampi sa balat ko ang mainit at mabangong hininga niya.

"Jillian, ahhh saglit alam mong naiinis pa ako sayo." sinubukan ko siyang itulak pero malakas siya.

"Mmm wala akong paki-alam babe. I still want you..." Ramdam ko ang malamig na pader sa likod ko nang bahagya niya akong itulak at marahas na muling inangkin ang mga labi ko. Ano ba nangyayari sakin? Bakit ba lagi na lang ako nagpapatangay sa mga halik ng bakulaw na 'to? Pero hindi ko mapigilang mapapikit lalo na nong magumpisang maglakbay ang mga kamay niya sa dibdib ko. Kahit malamig dito sa loob ng cabin pakiramdam ko nagaapoy ang buong paligid ko dahil sa init ng halik at haplos niya.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя