Chapter 12

114K 1.2K 232
                                    

Jillian Fuentes

Nasabi ko tuloy sa babe ko na ninakawan ko siya ng halik.

Kinukulit tuloy niya ako ngayon kung kelan ko siya ninakawan hehe. Kahit nasa loob kami ng klase kaninang hapon hanggang sa sunduin ko siya mula sa trabaho at maihatid dito sa apartment niya panay ang kurot niya sa mga daliri ko dahil pinipilit niya akong sabihin kelan ko siya ninakawan ng halik, pano kasi ayokong sabihin sa kanya.

"Jillian di naman ako magagalit e, kelan mo ba ako ninakawan ng halik?" tanong ulit niya habang hinihila niya yong damit ko. Natatawa tuloy ako dahil ayaw akong tigilan. Kanina umiiyak siya kasi iniisip niyang may babae ako. Eh hindi ko naman babae si Sofia, ewan ko ba kay Yana kasi kung bakit niya naisipang ireto sakin yon eh hindi ko pa naman nasasabi non sa kanya na Les ako. Si Jo at Jean lang talaga nakakaalam sa totoong pagkatao ko noon. Pero nong maging kami na ng babe ko naging transparent na ako sa iba pa naming barkada.

Tumingin ako sa babe ko habang napapangiti.

"Nong gabing nakitulog ako sa apartment mo. Tanda mo pa ba yong problemado ako dahil gustong dalhin sa America si Jean ng parents niya dahil nga nasaksak siya?" paliwanag ko.

Nagiisip siya.

"Tanda ko yon. Loko-loko ka talaga!"

"Kung sinabi ko bang hinalikan kita noon magagalit ka? O kaya bigla kang magigising tas naramdan mong hinahalikan kita, sasampalin mo ba ako babe?"

"Hmm malamang hindi lang sampal baka kinatay na kita!"

Tawa ako ng tawa. Grabe naman yon. Nakakatakot talaga ang babe ko.

"Pag kinatay mo ako babe eh di wala ka ng cute na GF ngayon."

Nagpout siya.

"Sa totoo lang kaibigan lang naman turing ko sayo noon, hindi ko talaga ine-expect na mamahalin kita."

Habang sinasabi ng babe ko yon kinikilig ako. hehe Basta pag siya nagku-kwento ng nararamdaman niya sakin di ko mapigilan yong tuwa sa puso ko. Kulang na lang tumalon-talon ako.

"Tanda mo babe nong umuwi tayo sa inyo at nalasing ako?"

Tumango siya. Halatang naghihintay pa siya ng susunod na sasabihin ko kaya napapangiti ako.

"Kung ganon tanda mo din na nirape mo ako nong lasing ako?"

Tumaas yong kilay niya saka ngumiti kaso hindi nakaligtas yong tagiliran ko sa kurot niya.

"Jillian walangya ka."

Kung ganon tanda pa nga niya haha. Akala niya lasing talaga ako non pero naisahan ko siya.

"Sarap mong humalik non babe ah. Akala mo lasing talaga ako no?"

Hindi tuloy siya makatingin sakin. haha

"Hindi naman kaya...Eiiii Jillian..Ikaw kaya humalik sakin non!"

Pilit niyang inaabot ulit yong tagiliran ko pero dahil alam kong kukurutin na naman niya ako, agad kong hinawakan yong dalawang kamay niya.

"Ano ka! Nakapikit kaya ako non. Medyo lasing ako tapos umupo ka sa ibabaw ko saka mo ako hinalikan. Alam mo bang ang saya-saya ko non?"

Ngiting-ngiti ako siya hindi makatingin sakin. Halatang nahihiya siya.

"Bwisit ka talaga. Ikaw kaya! Hinawakan mo kaya yong batok ko non kaya-"

"Kaya mo ako hinalikan?"

"Eiii Jillian ikaw kaya humalik sakin."

Pulang pula ang babe ko. Ang cute tuloy niyang tingnan kasi kahit kami na ngayon, ayaw pa din niyang aminin sa sarili niya na nagenjoy naman siya sa halikan namin noon hehe.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα