MFBF: Eighty

171 11 0
                                    

Yaaaayyyyyy! 80 naaaa! Konting push na lang matatapos na lahat nang paghihirap ni Lez/Lex! Wohooooo!

Ilag sa typoo,patapos na pero otor nyo walang pinagbago,tamad pa den hahahahaha


Escape plan

Lezili's POV

Kinabukasan gaya nang sinabi ni Shawn matapos ang klase ay umalis na kami sakay nang kotse nya, nagulat naman ako nang makita ang isang taong kinaiinisan ko sa lahat

Ba't nandito tong Nya'ng to?!

"HOY! Anong ginagawa mo dito? Ba't nandito ka? Shaw--"agad akong natahimik nang biglang sumulpot si Shawn sa likod ko


"Just get in will you? Mahuhuli na tayo,lagot tayo kay Hilberyo nito" saad nya na ikinakunot ko


Sino si Hilberyo? Ba't parang familiar?

Sa huli wala akong choice kundi ang sumakay katabi ni Nya'ng bruha na nangangalbo ng kilay. Ish! Ano ba kasing ginagawa ng babaitang yan dito??

"Ba't ka ba nandito ha? Nakikijoy ride?" Pagmamaldita ko pero tinaasan nya lang ako nang kilay

Di ikaw na makapal ang kilay...pati mukha!

"Your 'brother' asked me to come with you, lampa ka kasi" sagot nya,agad ko namang tinignan si Shawn sa may head mirror pero hindi nya kami pinansin


Wala lang kaming imikan buong byahe kaya naisipan kong magpamusic na lang, habang nakikinig sa kanta ay di ko namalayang nakaidlip na pala ako. Nagising na lang ako na nasa isang resort na kami, nangunot naman ang noo ko nang papasukin kami nung guard



Ano to bakasyon? Kala ko ba nanganganib ang buhay ko? Eh parang machichill chill lang kami ah


"Listen up" agaw ni Shawn nang atensyon namin habang nagmamaneho papasok ng resort "we'll stay here for a while, Lex sumama ka kay Nya mamayang gabi while I distract the guards" instruct ni Shawn na ikinataka ko

"Ba't kailangan pang tumakas? Diba mga gwardya mo sila?" Tanong ko


" Some of them... Pero hindi lahat. Napapaligiran tayo nang mga tauhan ni Hilberyo, and anytime pwedi ka nyang ipapatay sa isa sa mga staff dito. Kaya rule number 2 never trust anyone here except for me and Nya" sagot nya kaya napatingin naman ako sa bruhang Nya

"Ako? Magtitiwala dito? Eh kamuntikan na nga akong matigok nyan eh" akusa ko


"FYI, I was supposed to use you as bait okay? Isa pa hindi ko alam na magkapatid pala Kayo" turo nya samin ni Shawn "Though I almost killed you...but does it matter? Kung ayaw mo kong pagkatiwalaan di wag,I won't force you" mataray nyang sagot, napasimangot na lang ako sa dami nang sinabi nya



Nang tuluyang makapasok nang resort ay dumiretso kami sa isang malaking beach house,agad naman kaming sinalubong nang mga staff na para bang isa kaming napakaimportanteng bisita. Tahimik lang kaming dumiretso sa mga kwarto namin at nagbihis nang komportable. Pagtapos magbihis ay pababa na sana ako nang may biglang mag text, napakunot naman ako nang mabasa kung kanino galing Yun




From: 09*********

Hey it's me,Nya. We can't talk about our plan here that's why im messaging you. Act normal and don't ask anything ,you understand? We're going to leave around 9pm para wala nang masyadong staff na nakabantay


Agad ko namang pinalitan ng name nya ang number bago nagcompose ng message


To: Bruhang Nya

My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now