45

778 44 32
                                    

zyhrele ghoster
Today, 02:39 PM

Theo
miss ko na si zyhrele
asan ka na, mahal
hindi ka na nagpaparamdam sa amin
may iba ka na ba, aking sinta?
sabihan mo kami para hindi na kami umasa
palibhasa hindi mo alam pakiramdam ng umaasa kasi paasa ka

Isaac
tama

Theo
pre.... paramdam ka kaya?

Isaac
oa mo ha, nakikita naman natin 'yan sa school
hindi na nga siya nang-iiwan sa atin after class hahaha
bagong buhay na, bakit kaya?

tama!! 'wag kang oa, theodore
at isa ka pa, isaac chirstian, anong bagong buhay ka riyan, ganito naman na talaga ako dati pa

Theo
defensive ka, lodikicks
namiss kita katext 🥺

ge, last ko na 'to

Isaac
nakablock pa rin ako sa twitter ni imogen
ayaw niya bang tinutulungan ko siya sa crush niyang pangit

Theo
HAHAHAHAHHAHA PANGIT PALA EH

Isaac
alam mo, theodore, kaya wala ng paramdam 'yan dito kasi may kausap na yan sa instagram

Theo
sino
si imogen?
wow umuusad 🤩
ayos 'yan, @Zyhrele

bobo kayo
sinong nagsabi sa'yo, i

Isaac
naks, hindi niya ni-deny
HAHAHAHAHAHA
instincts ko nagsabi sa 'kin

Theo
teka nga, bakit may pag-uusap na na nagaganap
akala ko ba ayaw mo sa kanya
akala ko ba "annoying" siya HAHAHAHA
akala ko ba hindi ka "interested"
akala ko ba hindi mo "type"

Isaac
zyhrele: akala mo lang 'yon

manahimik nga kayo

Theo
crush mo na ba?
paano na si claire

hindi ko alam

Theo
alin diyan ang 'di mo alam
na crush mo siya o yung kay claire?

haha ewan

Isaac
tangina ka ba, ayusin mo desisyon mo sa buhay
alam ko namang hindi mo pa nililigawan si claire

pero 'di ba may plano ka? tapos pinapaasa mo si imogen? oo nag-uusap lang kayo pero who knows anong pinag-uusapan niyo? baka kung ano ano sinasabi mo, edi nagkagusto sa'yo yung tao
kung hindi mo paninindigan, itigil mo na
magdesisyon ka na hanggang maaga pa

Got To GoWhere stories live. Discover now