72

657 45 4
                                    

As soon as I went out my classroom for my last subject, I immediately spotted Zy leaning against the wall near the stairs. May kausap itong pamilyar sa akin ngunit hindi ko kilala.

When he saw me, he said something to the guy which made him look at me and smile before he left. Hindi ko alam anong gagawin, na-awkward bigla. Bakit ba kasi siya ngingiti bigla? Baliw.

"Hey," he said at saka lumapit sa akin. Kinuha niya agad ang isang libro kong dala.

I gave it. Noong ayaw ko ay pinilit niya lang ako lalo, natagalan tuloy kami. Kaya, okay fine! Sa'yo na 'yan, Zyhrele!

"Sino 'yon?" I asked as we walked down.

"Kaklase ko noong junior high. Hindi mo ba kilala 'yon? Kilala ka niya," kwento pa nito.

I shrugged. "Sikat kasi ako." biro ko pa, "Pero pamilyar siya sa akin."

Pagkababa namin ay dumeretso kami sa food court sa kabilang building. Maaga pa at recess time din ng iba kaya marami-rami ang tao. Zy went to order for us two, ako naman ay naghanap ng mapi-pwestohan namin.

Halos sampung minuto rin siya sa linya bago nakabalik sa akin. He handed me the juice and hotdog in a bun, iyong sa kanya naman ay dalawang burp burger.

Habang nag-uusap at kumakain kaming dalawa'y di ko mapigilan mapatingin sa kinakain niya.

"Pahingi nga, Zy." malambing na sabi ko. S'yempre, effective. Ako pa ba? Char.

Tapos hingi pa ako nang hingi kaya ang ending ay nagpalit nalang kami ng kinakain. Naging dalawa tuloy ang nag-iisa kong tinapay haha! I smiled at him, iyong ngiting tagumpay ko.

As we finished the foods, sabay ulit kaming naglakad papunta sa gate.

"Oh, ano?" sabi ko dahil mukhang sasama pa ata siya sa akin pauwi.

"Anong ano?" confused na sabi niya.

I looked at him, "Uuwi na ako."

"Alam ko, Imo. Hatid na kita." he said like it's a final decision and wala na akong magagawa roon...pero sinong nagsabing wala?

I raised a brow. "Hindi. May pasok ka pa, a?"

"Alas singko pa naman 'yon, e. Hatid na muna kita tapos balik ako agad dito." he said tapos hinawakan ako sa braso at naglakad, pero di ako nagpadala. He sighed, sumusuko na iyan.

"Zy."

He sighed again.

"Fine, dito lang ako." he said. Tinaas ko ang dalawang kilay ko at ngumisi, "Dito lang ako, Imo."

"Okay." natatawang sabi ko. "Goodbye, Zy! Good luck sa next class mo."

"Ingat..." he said. Kinawayan ko siya at saka'y tumalikod na.

Nang patawid na sana ako ay may naramdaman akong humawak sa akin. I looked up to see Zyhrele, smiling.

Kumunot ang noo ko. Ano na naman? Hindi talaga nito kaya kapag 'di ako nakikita. Patay na patay talaga sa akin, shucks!

"Hatid kita sa sakayan. Promise, hanggang doon lang. 'Wag kang makulit, ha."

I pouted. Okay, fine! Mahirap makahanap ng sasakyan at matagal pa. Having a company would be great kaya sige na.

Siya na ulit nagdala ng libro ko at hinawakan pa ako habang tumatawid kami. Habang naglalakad kami papuntang bus stop ay tumigil ito saglit. Kala ko naman kung ano na, lumipat lang pala siya sa kabilang side.

Hay, pabida talaga. Dati rati di ko maimagine na may sweet side ito, e! Ngayon nagso-show na. Grabe, ha??

"Zy?" tawag ko.

Napansin kong lumingon siya saglit sa akin, "Hmm?" bago bumalik sa daan ang tingin.

"Anong ano na ba... anong araw?"

I looked at him and he looked at me rin, kita ko agad na nalilito siya sa tanong ko pero sumagot din naman. "Thursday. Bakit?"

"Date, Zy."

"January... ano, teka lang, Imo, check ko." he said as he fished his phone from his pocket. "29."

Tumango-tango ako. My heart was beating crazily. Kinakabahan ako sa gagawin ko pero bahala na. It's now or never, charot!

"Tandaan mo lagi 'yan, a?"

"Ang? Alin?"

Umirap ako. Ang slow talaga! "Iyong date, tandaan mo 'yon. And 'wag na 'wag mong kalilimutan."

"Uh... sure, but why?"

"Anniversary natin." I said.

And Zy stopped walking. Napatigil din ako at tumingin sa kanya, he's shocked. Natatawa tuloy ako. When he finally smiled, and I walked back to him and gave him a hug.

"Does this mean..?"

"Oo, Zy. Tayo na." I whispered at him, and that's when I felt him hug me back.

Then, he kissed my forehead. Hay grabe, in love na in love talaga siya sa akin!

Got To GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon