63

750 45 18
                                    

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang marinig ang sigaw ng Mama ko na may naghihintay daw sa akin sa labas at lagot daw ako sa kanya mamaya.

Hindi ko alam kung dahil ba sa babala ni Mama 'to o dahil sa may naghihintay daw sa akin.

Punyeta kasi, baka mamaya isa na naman 'to sa mga naging ex kong hindi naman seryosohan ang relationship tapos na-attach na sila sa akin at hindi maka-move on sa ganda ko.

Paglabas ko, wala naman akong nakitang tao na hinahanap ako kaya naglakad pa ako ng kaunti. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil baka mamaya may nag-scam lang pala kay Mama tapos ngayon, kikidnappin ako.

"Hey," I almost jumped when I heard a deep and cold voice behind me. I look at it only to see Zyhrele this close, for the first time ever.

Gagi, bakit nandito ang isang 'to at paano siya napapasok ng guard, hindi naman taga-rito 'to!

"Uh.. hi?" sabi ko at mahinang tumawa para hindi halatang pilit iyon. Gosh, ano ba naman 'to? Bakit may pagbisita agad na nagaganap, hindi pa ako ready!

Bwesit na Mariah Alexis 'to, nilaglag ata ako.

"Bakit ka nandito?" I asked, trying to sound nice. Boses ko kasi parang naghahamon ng away kahit na natural lang naman 'yon, madalas tuloy ako pinagagalitan dati ng mga matanda sa amin dahil ang sama daw ng ugali ko.

"Bawal ba?" he asked and started walking slowly.

Aalis na ba siya? Buti naman, kung ganoon.

Nilingon ko ang bahay namin at nagpa-plano na pumasok ulit sa loob nang maalala ko ang sabi ni Mama, lagot daw ako sa kanya mamaya. Kaya naman ay nilingon ko ulit si Zyhrele na umiwas agad ng tingin at naglakad ulit.

Naks, shy pala siya in real life!

Naglakad ako palapit sa kanya at nang magkatabi na kami ay mas lalo niyang binagalan ang paglalakad.

"Galit ka ba?" he asked, suddenly.

"Huh? Hindi, ah.." gulat at takang sagot ko sa kanya.

Mahina siya natawa kaya napaiwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang pagwawala ng sistema ko. Ang hot tumawa, gago.

"Ganyan lang ba boses mo?" tanong na naman niya.

"Siraulo ka ba, dati pangalan ko trip mo ngayon... boses ko naman? May galit ka ba sa 'kin?" inis na sabi ko, pero hindi naman talaga ako naiinis. Boses ko lang naiinis, ako hindi.

He raised his two hands, "Oh, 'yong puso mo... kumalma ka lang." he laughed once again, "Ang tahimik naman dito sa lugar niyo."

"Oo kaya bawal ka tumira dito, ingay mo, e." I teased him.

"Ayos lang, ikaw pwede ka tumira sa amin." kaswal na aniya kaya nilingon ko siya sa gulat. Parang wala lang naman sa kanya ang sinabi niya kaya chill lang siya riyan... para ngang hindi niya napansin na sinabi niya iyon.

Ang landi landi ng isang 'to!

Sa mga sumunod na minuto, tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad at iniikot ang buong subdivision. Walang nagsasalita kahit isa sa amin pero hindi naman awkward. Maliban sa sistema kong gulong-gulo.

Ganito pala kapag ka-close mo crush mo, ang saya, gagi!

Baka totoo nga ang sinasabi ni Aya, naa-attach na ako sa kanya. Ganito pala feeling nun, 'yong totoong gusto mo na ang tao.

It's fun and it feels like... home.

"Thank you for tonight," I heard him say which made me stop walking and turn my gaze at him.

"Bakit ka nagt-thank you? Naglalakad lang naman tayo... hindi ka ba napagod?" sunod-sunod na tanong ko.

Pero tawa lang ang natanggap ko mula sa kanya kaya sinamaan ko agad siya ng tingin, ang seryoso ko rito tapos siya tatawa-tawa lang. Wala namang nakakatawa, baliw din pala ang isang ito. Makes me wonder why I like him, charot!

He put his right hand in my head at saka ginulo ang buhok ko.

I punch his chest lightly that made him stop, humawak naman siya sa chest niya at umaktong nasasaktan. When our eyes met, I rolled my eyes.

"Napaka-oa mo." I said and punch him again, this time, sa braso naman.

Tinalikuran ko na siya at nagpanggap na papasok na ng bahay, but I am not planning to ditch him here.

"Goodnight, Linnea." he said that made me stop and look back at him.

Napalunok ako dahil it was the first time I heard him say my name and it sounded... nice.

Ah, tangina lumalala na ako.

"Saan ka ba mas comfortable, sa Linnea or sa Imogen? O baka sa Linnea Imogen?" he chuckled.

Naglakad ito palapit sa akin kaya hinila ko ang kanyang buhok, which made him say 'aw' like he was hurt.

"'Wag mo sabi inaano pangalan ko, Zyhrele Blaine!" iritadong sabi ko at sinadya pang diinan ang pagkakasabi ng pangalan niya.

I let him go and he laughed. He patted my shoulder and smiled.

Ang cute, putang ina. Bakit ba siya ganito, naiinis ako!!!

────────────────────

zy 🔒 @plantsvszb
ang ganda mo, @linneagustin 😣
| isaac @isaachristian
duwag <3

Got To GoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant