The days passed quickly. It's been a month since I came here to San Martin.
Pinagmasdan ko ang maleta ko at ang mga damit na nakalagay duon.
Bukas kasi balak ko ng bumalik ulit ng syudad para maghanap ng trabaho. Gusto ko na din kasi ulit makaipon.
Bumuntong hininga ako at naupo sa kama ko habang nakatingin sa picture frame namin nina mama at papa.
"Iiwan ko po ulit yung bahay. Sana wag kayong magalit sa akin."
Lalo na sina lolo at lola.
Tumayo ako at nagpasya na lumabas nalang muna ng kwarto.
Isang linggo..
Isang linggo ko ng hindi nakikita si Aniela.
Hindi sya lumalabas ng kwarto nya. Sa loob ng isang linggo nag iiwan lang ako ng pagkain sa harap ng pinto ng kwarto nya.
Minsan gusto ko na nga sirain yung lock ng pinto dahil nag aalala na din ako. Baka kasi kung napaano na sya sa loob.
Alam ko naman kasi na hindi maayos ang huli namin pag uusap at aaminin ko hanggang ngayon gulong gulo pa din ako sa mga nangyayari at nag aalala pa din ako sa kapalaran namin dalawa.
Ayaw ko mag isip ng negatibo pero bilang isang tao. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako may bukas.
Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Magluluto nalang ako ng pagkain kesa mag isip na naman ng kung ano ano.
Malapit na akong matapos ng makaramdam ako ng presensya sa may likuran ko.
Nang lumingon ako nakita ko na nakatayo sya sa bungad ng kusina.
I looked at her from head to toe and frowned. As far as I can remember, I'm giving her food, but why does she look so thin?
"Kanina ka pa ba dyan?"- pag basag ko sa katahimikan.
Dumako naman ang mga mata nya sa akin at umiling lang.
Hinango ko na ang niluto ko at hinanda sa lamesa.
"Halika. Kumain na tayo."- sabi ko at ngumiti ng payat.
I can see the hesitation in her action. Hindi nya alam kung saan ihahakbang ang mga paa nya.
"I'm not mad, Aniela. C'mon, let's eat together. Isang linggo ka din nag kulong sa kwarto at hindi ako natutuwa na makita kang ganyan ang itsura."
Totoo naman kasi. Para syang lantang ewan. Oo maganda padin sya pero kung iisipin mong tao sya mukha syang depressed na konting pitik nalang magpapakamatay na.
Sinandukan ko na sya ng pagkain at naupo na din ako sa upuan ko para yung akin naman ang asikasuhin ko.
I saw her close her eyes for awhile before she grabbed the spoon and scooped on her own food.
She prayed.
Tahimik lamang kaming kumain na dalawa. Pero napapansin ko na wala talaga syang gana.
"Are you sick?"
She raised her head to meet my gaze.
"No. I'm not human to feel such--"
Hindi nya natapos ang gustong sabihin ng mapangiwi sya at mabitawan ang kutsara.
Naalarma naman ako dahil napahawak din sya sa gilid ng mesa.
"Hey--"
Natigil ako sa pagtayo dahil sa impit na ungol nya at sa pag galaw ng mga balikat nya.
"Oh my pakpak!"- gulat na sambit ko dahil bigla nalang lumitaw sa likod nya ang malapad at malaki nyang pakpak na kulay puti. May ilang butil pa nga ng balahibo na nagliparan dahil sa biglaan na paglabas nila.
Hindi ko to first time makita pero ngayon ko lang lalo napagmasdan ulit ito. Napakaganda nga pero nakakatakot pa din pala kasi ang laki.
Napawi lang ang gulat ko ng marinig ko na hinihingal sya kaya lumapit na ako sa kanya. Sobrang pula ng balat nya sa likod at yung pawis nya naglalabasan na din.
"The pain is getting worse as days go by." -she muttered under her breath.
"I know you're not okay, but what do you mean?"
"I'm trying my best to control them from coming out. Because there's a chance that if I didn't , they wouldn't come back inside my body. Hindi na sila matatanggal sa likod ko kapag nagtuloy tuloy ito..."
"ANIELA!"
She passed out. Potek na buhay to! Hindi ko tuloy alam ano uunahin ko.
**********
"Okay ka na ba?"- tanong ko sa kanya ng imulat nya ang mga mata nya.
Nandito kami ngayon sa kwarto nya. Hindi pa din nawawala yung pakpak sa likod nya kaya naman nadaganan na nya iyon sa paghiga nya.
Mainit kasi sya kaya naman nilagyan ko ng bimpo ang noo nya pero tinanggal din nya iyon ngayon na gising na sya.
Ang hirap nya buhatin kanina sa totoo lang.
She sat on the bed and leant against the headboard.
"Pasensya na sa abala."- malumanay na sabi nya.
"Forget it. Anyway, hindi ka ba nasasaktan? Naiipit mo sila."- tukoy ko sa pakpak nya.
"Hindi."- maikling sagot nya.
Nilaro ko naman ang mga daliri ko at huminga ng malalim.
"Why did you lock yourself in here?"
Tinignan ko pa ang buong kwarto. Wala naman nagbago e. Malinis nga kung tutuusin.
"I'm busy."
"Busy saan?"
"I am training myself not to mind the pain. And training myself to prevent my wings from coming out."
"Nagtagumpay ka ba?"
"As you can see , I didn't"
"Aniela.."- I softly said as I reached for her hand.
"Aria, we're friends, right?"
Natigilan naman ako. Friends ba kami? No. She's more like a family to me. An older sister to be exact, but I won't tell her that because maybe to her I am just a human who helped her.
"Yes, we are friends."- I said instead and smiled.
Umalis sya sa pagkakasandal sa headboard ng kama. Tumalikod sya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"Focus your eyes on it."- she said, referring to her wings.
Pinagmasdan ko kung paano gumalaw ang muscles nya sa balikat at likod dahil sa pagcontrol nya dito.
Unti unti na parang hinihigop papasok sa balat nya ang pakpak nya.
Napahugot sya ng malalim na hininga ng maibalik nya iyon at muling magsarado ang balat nya sa likod.I can see her swollen skin. And I felt bad for her. It must be so hurtful.
Humarap sya ulit sa akin.
"Can I tell you a secret?"
"Seriously?"
Malay ko ba kung nag bibiro lang sya.
"Yes. I'm serious." - she answered.
Bumuntong hininga ako bago tumango.
"I'm an angel."
"I know that."
"But.."
Nagsalubong ang kilay ko. Bakit parang ang seryoso naman yata nya?
"But what?"
Pabitin kasi sya. Ayaw pang magsalita at nakatitig lang sa akin.
"I'm..."
"What?"
"I'm dying,"- she sighed. "I'm dying right now, Aria."
BINABASA MO ANG
The Angel's Portrait ✔
Random"It's moving!" "Ha? Alin?" "Yung larawan ng anghel!" "Alam mo Bebang kung ano ano sinasabi mo." "Bahala ka nga dyan! Basta lalabas na ako. Sabi ko na nga ba may something dito sa lumang bahay ng family mo" I shook my head while watching her disappea...