Chapter 25

50.2K 1K 81
                                    

"Something is different today." Pag-oobserba sa kanya ni Kyrie at may paghihinalang tingin sa kanya.

Kakarating lang niya sa classroom nila at naunahan pa talaga siya ng kambal.

Ngumiti siya ng malawak sa dalawa.

"Magandang umaga." Nakangiting bati niya.

Kumunot ang noo ni Lyrie sa pagtataka habang nagkatinginan ang kambal, nagpapalitan ng tingin.

Napanguso siya. Pakiramdam niya tuloy tinubuan siya ng isa pang ulo dahil sa klase ng tingin ng dalawa.

"You're blooming and extra-radiant for today. Tell me, nadiligan ka ba?" Diretsang tanong ni Kyrie at ito pa mismo ang nagulat sa tinanong.

Kumunot ang noo niya sa pagtataka.

"Hindi naman ako halaman, kaya bakit ako didiligan?"

Napatampal ang dalawa sa sariling noo sa sinabi niya. Parang biglang sumakit ang ulo ng dalawa niyang kausap.

May masama ba sa sinabi niya? Tama naman siya 'di ba? Tanim lang naman ang dinidiligan?

"Nevermind, Miss Innocent. So, what's the thing between you and Hover?" Sabik na tanong sa kanya ni Kyrie.

Muling bumalik ang malawak na ngiti niya.

"Nililigawan niya ako!" Masayang balita niya sa dalawa.

Taliwas sa inaasahan niya ay hindi naman natuwa ang dalawa. Nakatitig lang ito sa kanya na tila naging isa na siyang alien.

Napasimangot siya.

"Hindi ba kayo masaya?" Nakalabing tanong niya.

"Well, dzuh? It's not surprising, Chenny! Kahit nga sabihin mong buntis ka hindi na kami mabibigla, si Hover pa."

"H-ha? Hindi ako mabubuntis!" Namumulang tanggi niya sa dalawa.

Parang hindi naman siguro siya bubuntisin ni Hover, 'di ba? At isa pa, hindi niya asawa si Hover, bakit naman siya bubuntisin nito?

"'Di mo sure, Chenny." Lyriw singsonged.

Napanguso siya at napaisip. Kung totoo ang sinabi ni Lyrie, nakakatakot naman si Hover kung ganoon. Gusto pa nga niyang makapagtapos.

Lumipad sa ganoon ang pag-iisip niya hanggang sa matapos ang klase. Daig pa niya ang nawalan ng enerhiya dahil sunod-sunod ang pasulit nila. Mabuti na lamang at nakasagot siya.

"My baby seems so tired." Bungad sa kanya ni Hover nang makalapit siya dito.

Napanguso siya at binigay rito ang bag at libro na hiniram niya sa library.

"Napakaraming mga quiz, Hover." Maktol niya sa binata.

"Do you want me to prohibit the quiz and exam in your class?" Hover asked casually.

Napasinghap siya sa sinabi nito.

Alam niyang hindi nagbibiro si Hover. Kung anong sasabihin nito totohanin talaga! Kahit napaka-impossible na ipapatanggal nito ang mga pasulit ay pakiramdam niya kayang gawin iyon ni Hover.

Pero parang napaka-unfair naman sa iba.

"Huwag na, Hover. Kaya ko naman."

Pinagbuksan siya ng binata ng pinto. Umupo naman agad siya sa loob ng kotse.

"But I don't want seeing you tired." Giit pa nito nang makapasok ito sa kotse.

"Para kang baliw, Hover. Lahat naman ng tao napapagod."

Innocent Seduction (4th Gen #2)Where stories live. Discover now