Episode 4: Child Visit (April 26, 2021)

62 2 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 2 - Episode 4: Child Visit (April 26, 2021)

Warning: This chapter contains a mature dialogue. Read at your own risk.

2012

"Ang ganda talaga nitong suotin. Kaysa naman sa maong na 'yon. Kiskis na lang nang kiskis 'yong magaganda kong paa roon. Mas maganda pa 'tong dress, sana nga ito na lang lagi ang damit ko." habang kausap ni Death ang sarili ay biglang bumukas ang tarangkahan.

"Sige, just report the other events today first thing tomorrow, you're dismissed." pagpatay ni Rudolph ng tawag ay napatingin na lamang siya sa batang nakapalda.

"Narh, ano 'yang suot mo?" agad na lumapit si Rudolph sa anak at agad na hinila ang tainga nito hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay. Pagkabitaw niya sa tainga ni Death ay nahulog ito sa sofa.

"Aray ko po, paru!" umiyak na lamang si Death.

"Tapos 'yan pa, umiiyak ka. Ilang beses ko ba sasabihin sa 'yo na ang lalaki, hindi dapat umiiyak?" pangaral pa ni Rudolph.

"Pa'nong 'di po ako iiyak eh sinasaktan mo 'ko?! Nagsuot lang naman ako nito eh." sagot pa ni Death sa ama niya.

"Oo, pinasuot ka namin n'yan pero dahil sa bagong tuli ka pero hindi mo na p'wedeng suotin 'yan dahil hindi ka naman babae!" tinanggal ni Rudolph ang suot nitong sinturon at ipinakita kay Death.

"Paru, ano pong gagawin n'yo? Masakit po 'yan, paru. H'wag po 'yan." natatakot na si Death habang umuurong palayo sa palalapit na sinturon sa kaniya.

"Sinong nagsabi na p'wede mong suotin 'yan? Sabihin mo." sigaw pa ni Rudolph sa kaniya ngunit hindi lamang siya umiimik.

"Hindi mo sasabihin? Kasi wala. Sige, pagtatandain na lang kita na bawal na bawal kang magsuot ng palda." hinawakan ni Rudolph ang suot na palda ni Death at hinila ito pababa.

"Paru, h'wag po!" tatama sana sa kaniya ang sinturon nang biglang...

"Tumabi ka r'yan, Nico. Hindi ka kasali rito sa usapan naming mag-ama." utos ni Rudolph sa hipag na humarang kay Death.

"Kuya, h'wag mo naman pong saktan si Death. Pumepeklat po kasi 'pag natatamaan nang malakas." patuloy na pagharang ni Nico kay Rudolph.

"Dapat lang para matandaan n'ya na bawal 'yang pagsusuot n'ya ng kahit ano na pambabae lalo na 'tong palda. Sa 'yo ba 'to?" hinagis ni Rudolph ang palda kay Nico.

"Opo, kuya. Akin nga po 'to. Ito po kasi ang gustong suotin ni Death. Ano naman pong magagawa ko kung iniiyakan na po n'ya 'ko? Eh 'di binigay ko na lang po sa kan'ya." paliwanag ni Nico kay Rudolph.

"Narh, go to your room." utos ng ama kay Death ngunit hindi pa rin siya umaalis.

"Papasok ka sa k'warto mo o tatama sa 'yo 'to?" tinaas muli ni Rudolph ang hawak nitong sinturon para makita ni Death na agad nang tumakbo paakyat papunta sa kuwarto nito.

"Kuya, h'wag mo na pong saktan si Death. Kasalanan ko po kasi kung bakit s'ya nagkakagano'n." napatingin na lamang si Rudolph sa hipag.

"Umupo ka r'yan. Sabi mo, kasalanan mo na gusto n'yang magsuot ng mga gano'n? Bakit? Ilang beses na ba n'ya 'yan ginawa?" tanong ni Rudolph sa hipag nang makaupo na ito sa sofa.

Conversion (Consented Reversion)Where stories live. Discover now