Episode 16: Cornered at the Candy Shop (May 12, 2021)

47 3 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 4 - Episode 16: Cornered at the Candy Shop (May 12, 2021)

Warning: This chapter contains a little bit of explicit content, minimal violence, and mature language. Read at your own risk.

"Sinasabi ko na nga ba! Darating na talaga 'yong time na gagapangin na ng Law-ser (loser) na Law na 'yon si paru. Kasalanan din naman kasi ni paru kung bakit s'ya pa ang pinagtitiwalaan niya. That's what you call karma. Pero na-karma-li (nagkamali) rin pala ako kasi mas'yado akong mabilis mang-judge ng tao dahil lang sa ayaw na ayaw ko sa kanila pero at least, tama ang mga nagiging assumptions ko sa kanila lalo na ang pagiging walang hiya n'ya in general."

2018

"Just contact me, Death. If you want a piece of me." bago pa tumalikod si Terrence ay nakapagdila pa s'ya at lip bite.

"B'wisit kang lalaki ka! Ang hot mo, kung p'wede ka lang talagang sunggaban ngayon, gagawin ko tala... ah!" biglang napasigaw si Death sa biglang bumusina.

"Hoy, bakla! Tumabi ka r'yan kung ayaw mo pang mamatay. Saka kung lalandi ka lang, sa babae na lang kasi 'di bagay sa 'yo maging bakla." lait pa ng muntik nang makasagasa sa kaniya bago paandarin nito muli ang kaniyang sasakyan.

"Ang sama no'n ah! Masira sana sasakyan mo!" sigaw pa ni Death sa nakalayo nang sasakyan. Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa bahay nila.

"Ate, nakailan ka na?" bati niya kay Nico na nagmumuni-muni sa labas.

"Mga ilang..." hindi na narinig ni Death ang sinasabi ni Nico dahil sa biglaang alingawngaw ng isang sasakyan.

"Sorry, ate, hindi ko narinig." sabi nita ulit nang nakalayo na ang umaalingawngaw.

"Mga ilang libo na rin. Ikaw, nakailan ka na?" tanong din niya.

"Dalawa pa lang pero bukas, I'm sure na aabot ako ng sampu. Promise ko 'yan sa 'yo, ate. Sige, papasok na 'ko sa loob." iniwan na ni Death si Nico at pumasok sa loob.

"Kuya Den, iba naman pala. May kausap ka pa pala na potential model hanggang ngayon." papuri ni Death nang makita si Den na may kausap sa cell phone nito.

"Ano pong nangyari kay kuya Rudolph?" narinig na lang ni Death mula kay Den.

"Sandali lang, sige po, papupuntahin ko na ang anak n'ya." agad na pinatay ni Den ang tawag.

"Death, tara, sumama ka sa 'kin. May kailangan tayong puntahan." pagkausap ni Den sa kaniya.

"Ano pong nangyari saka bakit ka nagmamadali?" tanong pa niya.

"May nangyari kasi sa kanila ni Law." napatingin lamang si Death sa kaniya. Ilang sandali pa ay naintindihan din niya ito.

"Sabi na nga ba eh! Aakitin din n'ya si paru. Well, 'yan napala n'ya, nagtiwala kasi s'ya ro'n kahit 'di n'ya kilala." nasabi na lang ni Death.

"Sandali, Death. Hindi ko naman sinabi na sila. Ang sabi ko, naaksidente sila kaya nga tayo pupunta roon sa ospital." pagtatama ni Den.

"Ospital? Aksidente? Sinong nakabangga?" sunod-sunod nang tanong ni Death.

"Bilisan na lang natin. Wala pa kasing tatao ro'n." hinila na agad ni Den si Death hanggang sa makarating sila sa sasakyan nito.

"Kuya, buksan mo nga 'yong radio rito bago ka umalis." nagsimula nang magsalita ang nasa radio habang si Den naman ay pinaandar na ang sasakyan.

Conversion (Consented Reversion)Where stories live. Discover now