Episode 33: Conflicted Homosexual Life (June 6, 2021)

5 2 0
                                    

#CONVERSION

#ConsentedReversion

Chapter 8 - Episode 33: Conflicted Homosexual Life (June 6, 2021)

Warning: This chapter contains some harsh dialogue pertaining to someone's sexuality and includes different forms of bullying, violence and discrimination that we will never promote and are just used for storytelling. Read at your own risk.

"Hindi, ayaw ko na. Ayaw ko na ng gano'ng uri ng relas'yon. Wala lang na maidudulot na mabuti 'yong gano'n sa buhay ko kaya mas mabuti na lang na palayain namin ang isa't isa."

2018

"Kaya mo bang magsalita? Kung hindi, pasusulatin na muna kita." umiling si Terrence sa katanungan niya kaya agad siyang kumuha ng papel at panulat at inabot kay Terrence.

"May sasabihin ka ba? Sabi ni tito, mayro'n daw kaya sabihin mo na ngayon kasi ito na siguro ang huling time na magkikita tayo." tanong ni Death. Agad namang nagsulat si Terrence at inabot kay Death ang papel.

"Mahal kita, Death. H'wag mo akong iiwan." pagbasa ni Death sa sinulat ni Terrence.

"Hindi, iiwan na kita. Lalaki na ako kaya 'di ko na maaatim na magkaroon pa ng relas'yon sa lalaki rin na katulad mo." sagot lamang ni Death sa kaniya. Agad namang inagaw ni Terrence ang papel at nagsulat muli. Ilang sandali pa ay inabot niyang muli ito kay Death.

"Ayaw mo na ba sa 'kin? Nagpakabakla ako para sa 'yo tapos iiwan mo lang ako? Pinaglalaruan mo ba 'ko dahil sa ginawa ko sa kapatid ko?" pagbasa ni Death dito. Napatingin lamang siya kay Terrence.

"H'wag ka nang umiyak. 'Di n'yan mapababago ang isip ko. Siguro nga, may feelings pa 'kong natitira sa 'yo pero willing akong itapon 'yon dahil mas gusto ko nang maging lalaki. Ayaw ko na ng ganito, Terrence. Alam naman nating dalawa kung ano ang nangyari sa kapatid natin, namatay s'ya kaya 'di ko na alam kung dapat pa ba nating ipagpatuloy 'to." lumapit siya kay Terrence at pinunasan ang luha nito.

"Death..." nasabi na lamang ni Terrence sabay hila kay Death habang patuloy pa ring umiiyak.

"H'wag ka nang makulit please, Terrence. Kasi wala ka nang magagawa para balikan kita. Saka bibigyan naman kita ng twenty thousang na pinangako ko sa 'yo kaya mapalalago mo pa 'yon." pagsubok niya na pumiglas mula kay Terrence.

"Death, h'wag..." narinig pa niya mula kay Terrence na ayaw pa rin siyang bitawan.

"Terrence, please, pakawalan mo na 'ko. Kailangan pa naming ayusin ang burol at libing ni Law." pakiusap pa ni Death na naiiyak na rin kay Terrence.

"Gusto mong suntukin kita? Bitawan mo ko, bakla." nasabi na lamang ni Death sabay tingin nang masama kay Terrence kaya agad siyang binitawan nito.

"Good, sige aalis na 'ko." lalabas na sana si Death sa kuwarto nang bigla siyang niyakap ni Terrence mula sa kaniyang likuran.

"Bitawan mo nga ako sabi." bago pa siya makapiglas mula kay Terrence ay biglang bumukas ang pintuan.

"Death, anong ginagawa n'yan sa 'yo?" tanong ng bumukas ng pinto.

"Paru, ayaw n'ya po 'kong pakawalan. Tulungan n'yo po ako." pakiusap ni Death.

"Hindi pa tapos ang restraining order, Terrence. Gusto mo nang makulong ngayon?" pagkasabi nito ni Rudolph ay biglang bumalik sa higaan si Terrence.

Conversion (Consented Reversion)Where stories live. Discover now