III

30 10 0
                                    

"The Paper"

"Rhian Dolores? The pabebeng vlogger? Nakita na naman kita." boses pa lang niya'y nakakaasar na. Huwag nga akong magsalita dahil inis na inis ako sa kaniya. Nasa 10th floor na ang room ko pero sinusundan pa rin niya ako kaya nainis na ako. "Sinusundan mo ba ako?" pasigaw kong sinabi.

"Ano bang problema kung sinusundan kita? Room 144 ako!" hinawakan niya ang pinto sa room 144, kalapit ko nga lang!

"Sa dinami-rami ng tao sa hotel na 'to, ikaw pa magiging kalapit-room ko!" naaasar kong sinabi habang nagsasalubong ang dalawa kong kilay.

Nanahimik ako ulit at hindi pinansin. Bumalik ako sa room ko. Pero hindi na ako nakaramdam ng takot. Inisip ko na lang na kaya siguro ako natatakot ay masyado akong naniniwala sa sumpa na 'yan.

Naglakad ako patungo sa kama, nayayamot dahil nakita ko si Vince. Hindi pa rin ako makapaniwalang masusundan ako ng siraulong 'yon. Sinadya kong ibagsak ang nagkakanda-bigat na sarili ko sa malambot na kama para magpahinga. Umagang-umaga pero ubos na ang enerhiya ko sa hotel na 'to.

Isang katok ang narinig ko sa pinto. Napapadabog na lang ako dahil ayokong tumayo at gusto ko na lang matulog pero biglang sumigaw ang kumakatok. "Miss Rhian, si Justin po ito. I'm just checking things out." Napabagon agad ako nang marinig ang tinig niya at somehow, everything feels light.

Syempre inayos ko muna ang buhok ko nang ilang segundo bago magpakita sa kaniya hanggang sa pinagbuksan ko siya ng pinto. Bumungad sa'kin ang nakangiti niyang mga labi na pati mga mata'y ngumingiti. Nakasoot siya ng gloves at may dalang mga cleaning equipments.

"Anong gagawin mo d'yan?" pagtataka ko. "Malinis naman ang paligi—" napahinto ako sa pagsasalita nang humilis ako ng tingin sa kaniya at tiningnan ang kwarto ko. Napagtanto kong nagkalat ang lahat kahit kadarating ko pa lang.

"Alam kong hindi mo inayos ang mga kalat mo kanina, Miss Rhian." may pagkukusa niyang sinabi habang dahan-dahang naglalakad sa magulo kong kwarto. Nagsimula rin siyang mag-usap habang isinasawsaw ang mop sa bucket. "Matagal-tagal ring hindi nagamit ang room 143 ayon sa ilang mga staff dito. May mga pagkakataon raw kasing walang bumibisita rito at may mga panahon ring dumaragsa ang mga tao mostly for content and the hotel's vibes."

Hindi ako nag-atubiling halughugin ang ilan pa niyang mga gamit na dala. Nagkaroon ako ng sipag na maglinis. "Tulungan na kita Justin. Wala akong magawa kaya hayaan mong maglinis rin ako."

"Pero Miss Rhian, bisita ka po kaya ako na lang maglilinis." pagtanggi ni Justin.

"I don't care," giit ko. "Ako ang sundin mo kasi ako nga ang bisita kaya tutulungan kita."

Napangiti nang bahagya si Justin habang unti-unting tumitingin sa'kin. Marahan siyang tumawa. "Hindi ko po maintindihan, ba't po kayo narito kung alam niyong wala kayong magagawa? Para bang naisip niyo na lang na pumunta or may something talaga deep inside na nagpupumilit?"

Tila napahinto ang lahat sa mga sinabi ni Justin. Maging ako'y parang nahihibang nang maisip ang totoo kong dahilan ng pagpunta rito. "Hindi ko alam, Justin." malumanay kong sabi habang lumalalim ang bawat paghinga ko. "Maybe I have something to search for hindi lang for content or anything but perhaps mayroon akong kailangang hanapin sa sarili ko."

Napatigil sa pagm-mop si Justin. "Malalim po ang mga binitawan niyong salita. Baka hindi niyo pa nga natatanong sarili niyo sa kung ano ang totoong dahilan niyo rito."

Ipinagpasawalang-bahala ko na muna ang mga sinabi ni Justin. Pinilit kong iangat ang aking mga labi at tiningnan siya nang deretso. "Ano? Hindi pa ba tayo maglilinis nang bongga?"

Hotel del DolorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon