THREE

1.1K 41 0
                                    

"Seryoso ako sa sinabi ko, Phoebe," pagkausap sa akin ni Andrea nang natapos ang aming klase.

Nagliligpit ako ng mga gamit ko at saglit na tumigil para tingnan siya. "Alin?" taka kong tanong.

Lumapit siya sa akin at naglapag ng limangdaan sa lamesa ko. Naningkit naman ang aking mata dahil doon.

"Aalis ako mamayang alas singko ng hapon, kukuha lamang ako ng ilang damit. Kung gusto mong sumama sa akin ay tagpuin mo ako sa waiting shed malapit sa kanto namin," seryosong saad niya at tipid na ngumiti bago lumabas ng silid.

Hindi naman ako agad nakasagot o nakakilos man lang. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko tuluyang naintindihan ang gusto niyang ipaintindi. Napatitig ako sa iniwan niyang pera at huminga nang malalim.

Ano ang gagawain ko?

Sa halip na magpakalunod sa pag-iisip ay isinukbit ko ang aking bag at lumabas ng silid para umuwi. Habang nakasakay sa jeep ay doon ko palang naisip na kung hindi man ako sasama sa kanya ay aalis siya mag-isa.

"Andrea," naiiling kong sambit at napahilot sa aking sintido.

Alam niyang hindi ko siya kayang tiisin bagamat alam ko na gusto niya rin akong makahinga saglit. Nagpakawala ako nang malalim na hininga at tuluyan nang pumara sa tapat ng bahay namin, o mas tamang sabihin na bahay ng pamilya ng ama ko.

Hindi pa man ako nakakapasok ng bahay ay naririnig ko na si Daddy at ang asawa niya na nagtatalo. Tulad ng dati ay ako na naman ang pinag-aawayan nila.

"Kung hindi dahil diyan sa bastarda mo ay hindi sana tayo nagigipit ngayon! Dagdag siya sa palamunin!" asik ng asawa ni Daddy.

Napasandal nalang ako sa gilid ng pintuan at tulalang pinakinggan ang pagtatalo nila. Ilang minuto silang nagsagutan sa salas bago nila napagdesisyunang pumanhik sa itaas ng kanilang silid. Doon palang ako pumasok sa loob at nadatnan ang kapatid ko na nakasandal sa pader. Matalim siyang nakatingin sa akin na binalewala ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad.

Palagi namang ganito... walang may gusto sa akin.

"Kasalanan mo ang lahat. Kung bakit ka pa kasi ipinanganak," puno ng poot na wika ni Ana na nakasunod sa aking paglalakad.

Pumasok ako sa aking silid at agad na nagtungo sa damitan ko.

"Sana sumama ka nalang sa nanay mong malandi. Dapat namatay ka nalang din!" dagdag niyang turan na nakapagpatigil sa aking pagkilos.

Mabagal ko siyang nilingon at mapait na ngumiti. "Bakit, Ana? Tingin mo ba ay gugustuhin ko ring mabuhay kung sakali na alam kong ganito ang magiging buhay ko? Sana nga... sana nga isinama nalang ako ng nanay ko sa pagkamatay niya. Baka sakali na kahit sa kabilang buhay, maramdaman ko ang totoong pagmamahal ng isang pamilya," mahabang saad ko at muling ibinalik ang atensyon sa aking damitan.

Hindi naman umimik pa si Ana at narinig ko nalang ang mabibigat niyang yapak paalis. Nagsimulang mag-ulap ang aking paningin habang kumukuha ako ng nga damit sa aking aparador. Pakiramdam ko ay gusto kong sumabog ngunit hindi pwede.

Nang tuluyan ng nakuntento sa dami ng kinuha ko ay umupo ako sa kama at saka binuksan ang aking bag. Inuhuho ko ang mga gamit kong pang-eskwela sa ibabaw ng aking kama at saka inilagay ang mga kinuha kong damit sa loob ng bag.

Isang malalim na hininga pa ang pinakawalan ko habang nakatitig sa nakapake kong kagamitan. Kinuha ko ang limangdaan sa aking bulsa at tipid na napangiti.

Tatlong araw... tatlong araw na malaya sa lahat.

Tumayo ako at nagbihis ng damit bago ako tuluyang lumabas ng bahay ng kinakasama kong pamilya. Nakita ko pa ang pagsulyap sa akin ni Ana habang nakaupo sa sofa, hindi ko mabakas kung anuman ang ekspresyon sa kanyang mga mata ngunit nasisigurado ko na may pagkamuhi ro'n.

Hindi ko alam kung bakit sa halip na maging mabigat ang loob ko sa aking pag-alis ay kabaligtaran ang naramdaman ko, ginhawa. Siguro ay dahil alam ko na ang taong nakakapagpasaya sa akin ay wala sa bahay kun'di nasa waiting shed, naghihintay sa aking pagsunod.

Pumara ako ng tricycle at agad nagpahatid sa sinabing tagpuan ni Andrea. Hindi ko pa naiwasan na mapangiti nang tuluyan ko na siyang natanawan pagkatapos ng kinse minutos na byahe.

"Andrea," mahinang tawag ko sapat lang upang marinig niya pagkatapos kong bumaba ng tricycle at magbayad sa driver.

Agad na sumilay ang malaking ngiti sa labi niya nang iangat ang paningin sa akin. "Phoebe!" parang bata niyang sigaw at nagtatakbo patungo sa akin.

Tumawa naman ako at kumalas sa kanya. "Masyado kang lunod sa pag-iisip. Maski ang tunog ng tricycle ay hindi mo napansin," puna ko rito.

"Pinagnanasahan ko kasi 'yong crush kong kpop idol," aniya at humagikhik sa dulo.

"Sira ka talaga," naiiling kong sambit at matamis na ngumiti sa kanya. "Let's escape for a little while," I uttered.

Ngumiti siya pabalik sa akin at tumango. "Let's be happy and contented with each other company."

I am always happy and contented with you, Andrea.

TWO DROWNING HEARTS (Oneshot) ✅COMPLETEDWhere stories live. Discover now