FOUR

1K 39 0
                                    

"WOW." Hindi ko maiwasan na mamangha habang inililibot ang aking paningin sa paligid.

"Ang ganda 'di ba?" wika ni Andrea sa tabi ko.

Nandito kami ngayon sa isang resort sa Batangas. Dito namin napagdesisyunang pumunta at magpalipas ng tatlong araw. Kung saan nanggaling ang panggastos ay hindi ko na inisip pa. Mayaman ang pamilya ni Andrea, kahit ano'ng gustuhin niya ay maibibigay sa kanya ng kanyang pamilya.

"Oo, napakaganda," tugon ko at saka siya tiningnan upang gawaran ng isang ngiti.

"Masaya ako at nagustuhan mo," aniya at saka ako hinila upang maglakad papasok sa nasabing resort.

Nag-check in kami pagkatapos ay sinimulang libutin ang lugar. Ito ang unang pagkakataon na pakiramdam ko ay sobrang gaan ng aking loob. Walang problema, walang iniisip, wala kahit ano.

Masaya kaming nagtampisaw ni Andrea sa karagatan hanggang sa tuluyang dumilim ang paligid. Nagsimula kaming gumawa ng bonfire at dinama ang payapang simoy ng hangin habang nakaupo sa buhanginan.

"Sana ganito palagi," mahinang usal ko at tumitingin sa dagat.

"Masaya ka ba?" usisa ni Andrea.

Nilingon ko siya, hindi siya nakatingin sa akin at gumagawa ng guhit sa buhangin.

"Ang totoo ay masaya ako kapag kasama kita, Andrea. Minsan ay hindi ko maiwasan na hilingin na sana ay naging kapatid nalang kita," marahan na saad ko at ginaya ang pagguguhit niya sa ibaba.

Narinig ko ang munting pagtawa niya dahilan para muli kong iangat ang aking paningin. "Maaaring hindi tayo magkadugo pero kapatid talaga ang turing ko sa 'yo, Phoebe," aniya.

"Alam ko," agad kong sagot.

Magkasabay kaming tumawa at saka tumitig sa mga bituwin.

"Can you promise me one thing?" pagbasag niya sa katahimikan.

I looked at her. Nanatili ang paningin niya sa itaas at ngumiti.

"Ano iyon?" tanong ko.

Mabagal niya akong tiningnan. "Be happy, stay alive, live well, Phoebe," she stated.

Hindi naman ako nakaimik sa sobrang sinseridad na naramdaman ko sa boses niya.

Tumayo siya at saka naglakad palapit sa akin. Pagkatapos niyon ay may kinuha siya sa kanyang bulsa at naupo sa aking tabi.

"Alam mo naman na nag-i-stream ako sa isang internet site 'di ba?" usisa niya.

Agad akong tumango nang naaalala na gumagawa siya ng mga vlog para sa kanyang channel. Marami ang nanunuod doon sapagkat marami ang lalaki na nahuhumaling sa kanya bagamat isa iyong stream ng paglalaro sa isang online mobile games.

"Sa loob ng ilang buwan ay pinilit kong makaipon gamit ang sarili kong pera..." Pagkukwento niya. "Hindi para sa akin kun'di para sa taong mahalaga sa akin."

Agad na nangunot ang aking noo sa pagtataka. Pilit iniisip kung sino ang taong tinutukoy niya sapagkat wala akong alam na naging karelasyon niya o anuman.

Natigilan ako nang kuhanin ni Andrea ang aking kamay at ilagay ro'n ang isang susi.

"Umalis kana sa bahay ng Daddy mo, Phoebe," aniya.

Mabilis na namuo ang luha sa aking mga mata nang iangat ko ang paningin ko sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na kung hindi kalakihan ang bahay na nabili ko pero pagtyagaan mo na, hindi ka naman maganda," tumatawang biro niya sa dulo.

Gustuhin ko man na sumabay sa tawa niya ay kabaligtaran ang nagawa ko. Napahagulhol ako sa iyak at mabilis siyang niyakap.

"Salamat, maraming salamat, Andrea. Gustuhin ko man na tanggihan ito ay alam kong pinaghirapan mo itong bilhin para sa akin. Maraming salamat," umiiyak kong sambit.

Isang marahan na haplos naman ang isinukli niya sa akin at yumakap pabalik. "Sa mga mata ko, kapatid kita, Phoebe."

Wala akong nagawa kun'di ang tahimik na mapaluha sa kaligayahan. Hindi ko lubos akalain na maaaring lumalim ng ganito ang pagkakaibigan namin sa isa't isa. Marahil ay pinagbuklod talaga kami ng mga karanasan namin sa buhay.

"Alam kong kaya mong buhayin ang sarili mo, Phoebe. Huwag ka sanang sumuko sa lahat ng pinagdadaanan mo sa buhay. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita," sinsero niyang bulong.

"Ikaw ang sumalo sa akin sa gitna nang pagkahulog ko sa kalungkutan, Andrea. Pangako, gagawain ko ang gusto mo." Mabagal akong kumalas sa kanya at pinunasan ang aking mga luha bago ngumiti.

"I will be happy, I will stay alive, I will live well, Andrea. I promise."

We stayed in the resort for three days. Wala kaming ginawa ni Andrea kun'di ang gawain ang mga bagay na nakakapagpasaya sa amin. Walang mga mapanuring mata o anuman.

"Uuwi na tayo," usal ko nang nakasakay na kami sa bus.

"Oo nga..." Dinig kong bulong niya sa tabi ko.

"Salamat ulit, Andrea," sinsero kong sambit.

"Ilang araw ka nang nagpapasalamat. Baka maging santo na ako niyan," pagbibiro niya.

I chuckled and shook my head before staring outside the window.

You save me, Andrea. I will always be thankful to you.

"Paalam," nakangiting wika niya nang maghihiwalay na kami ng landas patungo sa sarili naming mga destinasyon.

"Paalam," tugon ko pabalik bago sumakay ng tricycle.

Tinanaw ko pa siya at kinawayan bago siya sumakay sa tricycle na kinuha pauwi sa kanila.

Hindi ko alam kung nasanay lang ba talaga ako na magkasama kami kaya gano'n nalang ang paninibago ko ngayong nagkalayo kaming dalawa. Napailing ako at kinuha sa aking bulsa ang susi ng bahay na binili niya para sa akin.

Simula bukas ay maghahanap ako ng part time job. Alam kong magiging mahirap pero may tiwala akong kakayanin ko, tulad nalang ng pagtitiwala ni Andrea sa akin.

Tulad ng inaasahan ko ay pinagmura ako ng aking ama sandaling nakarating ako ng bahay. Hinayaan ko lang siya at binalewala lahat ng masasakit niyang salita dahil alam ko na ilang araw nalang ang kailangan kong ipagtiis sa kanya. Kapag nakahanap ako ng trabaho ay aalis na rin ako agad sa kanyang puder.

TWO DROWNING HEARTS (Oneshot) ✅COMPLETEDWhere stories live. Discover now