Chapter 1

942 43 46
                                    

Chapter 1



I'm the only one who can bring me down, and I'm not going to let myself down any longer.

My harshest critic is myself. I have already questioned myself before nobody else has done so. But I'm going to be with myself for the rest of my life, and I don't want to share it with someone who is constantly critical. As a result, I'm going to stop being my own worst critic. It's past time for me to embrace all of my positive contributes.

Learn to love yourself as if you were a rainbow with gold at both closes.

"Manong, bayad po!" sigaw ko sabay inabot ang bayad ko sa driver na malapit lang sa gawi ko.

"Saan ito?"

"Isa pong Santa Cruz, estudyante po!" sigaw ko dahil sa sobrang lakas ng hangin, baka hindi ako marinig.

Nag-hintay ako ng iaabot na sukli sa akin hanggang sa maghintay ako sa wala. Wait, ten pesos iyong binigay ko sa kanya! Eight pesos lang ang pamasahe, dapat ay may sukli pa akong dalawang piso!

"Kuya, iyong sukli ko po sa ten pesos! Estudyante po ako!"

Nakita kong napalingon siya sa akin at pagkatapos ay inabot ang dalawang piso na sukli ko.

Bumuntonghininga ako. Alam kong kahit dalawang piso lang ang nakalimutang sukli sa akin, nagreklamo pa din ako.

It's just that... marunong akong mag-value ng kahit maliliit na bagay.

Para sa akin, importante kaya ang piso or kahit dalawang piso man 'yan. Sa panahon kasi ngayon, wala mas'yadong nakaka-appreciate sa value nila.

'Tsaka lang naman nila ma-a-appreciate ang isang bagay kapag nawala na ito.

Halimbawa na lang, kapag kulang ka ng piso sa pang-pamasahe sa jeep. Oh, 'di ba? Sa mga sitwasyong iyon, 'tsaka lang natin malalamang kahit gaano kalaking halaga pa 'yan, importante pa din 'yan.

"Scha?" napalingon ako sa likod nang may tumawag sa akin.

"Ryllie? Andito ka din pala. Nakapag-bayad ka na ba? Libre na kita." nakangiting sabi ko.

Natatawang umiling siya. "Ano, nadala mo ba iyong mga gamit na gagamitin natin para sa laboratory mamaya?"

Umawang ang labi ko. "H-Huh? Meron ba tayong laboratory mamaya?"

Nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realize ako. Pesteng buhay nga naman, oh! Ngayon ko lang naalala na meron nga pa lang sinabi sa amin si Prof!

Kaya ang ending, pumara ako sa jeep at agad na bumaba. Nandoon kasi sa bahay namin iyong gagamitin ko para sa laboratory mamaya, nakalimutan ko naman kasi na ngayon na pala iyon.

Todo tuloy ang mura ko nang maka-alis na ulit ako sa bahay, dala dala ang mga gamit na gagamitin namin mamaya. Naglalakad lang ako palabas sa village namin. Malayo layo pa man din ito.

Nang tuluyan na akong makalabas, nag-abang ulit ako ng trycicle. Natigilan lang ako nang may motor na pumarada sa harapan ko.

"Sakay na, Scha!" si Hames pala iyon na dahan dahang hinubad sandali ang helmet na suot niya.

Dali dali naman akong umangkas sa likuran niya. Mabuti at naabutan ko siya rito, mapapa-libre ang pamasahe ko nito.

Nang makasakay ako sa likod niya, inabot niya sa akin ang isang helmet na agad ko namang sinuot.

"Oh, hawak ka, ah. Baka mahulog." sabi niya at siya na mismo ang kumuha ng kamay ko para mapulupot sa beywang niya.

"Hindi mo kasabay si Cade? Lq kayo, ano?" tanong ko nang maka-andar na kami palayo.

Bawat Piyesa (Munimuni Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon