Chapter 14

324 15 52
                                    

Chapter 14



"Gusto mo ba siya bilang kaibigan or in a romantic way?" tanong sa akin ni Serina isang araw nang bumisita siya dito sa bahay namin.

Napanguso ako. "Sa totoo lang, hindi ko din alam. Ayoko din namang maging indenial, pero hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Baka nagkakamali lang ako." sagot ko.

She nodded. "Kapag kinakausap mo ba siya, anong nararamdaman mo?"

Napatingin ako sa kawalan at sandaling napatitig. Ilang araw na ang nakalipas simula noong huling usap namin ni Xien. Hindi pa ulit kami nagkakausap. Natatakot nga ako na baka mamaya, bigla na kaming makaramdam ng awkwardness sa isa't isa.

I don't want that to happen. Kung puwedeng kalimutan ko na lang iyong sinabi niya sa'kin, para lang mabalik ulit kami sa dati.

"Normal lang naman?" hindi ko siguradong tanong.

"Paanong normal lang? Halimbawa, kapag lumalapit siya sa'yo, anong nararamdaman mo? Bumibilis ba ang tibok ng puso mo?" tanong niya ulit na para bang nasa isa kaming survey test.

I sighed. "Minsan… pero madalas normal lang naman sa'kin."

"Eto, kapag hinahawakan niya ang kamay mo, may nararamdaman ka bang parang na-kuryente ang buong katawan mo?"

Biglang pumasok sa isip ko 'yong mga araw na sa tuwing hinahawakan niya bigla ang kamay ko, nagugulat na lang ako.

Dahan dahan akong tumango sa kanya.

"Kapag hinawakan naman nila Hames ang kamay mo, wala kang nararamdaman, ano?" tanong niya.

Umiling ako. "No way,"

Humagalpak siya ng tawa. "Gusto mo nga si Xien, sis,"

"Paano mo nasabi?" takang tanong ko.

Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang magkabila kong balikat. Ang dating Serina na masiyahin, ngayon ay seryoso na ang mukha habang nakaharap sa'kin.

"Ganito kasi 'yan, sinabi mong nakakaramdam ka ng elektrisidad sa tuwing hinahawakan niya ang kamay mo. Bakit ka nakakaramdam ng ganoon kung wala lang?" iyon ang sagot niya.

"So, gusto ko siya? Imposible. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya." naiiling na sagot ko.

"Imposible nga ba? Atsaka, sigurado kang kaibigan lang ang tingin mo sa kanya? Or natatakot kang kapag nagkaroon ka ng nararamdaman sa kanya, maaaring mabuwag ang friendship n'yo. 'Di ba? Tama naman ako."

Bumuntonghininga ako at muling napatingin sa kawalan.

"Pag-isipan mo 'yan ng mabuti. Kung hindi, isusumbong talaga kita kay Tito na lumalandi ka na." bigla na namang bumalik ang Serina na baliw.

Inirapan ko siya. "Serina! Please lang! Huwag mong sasabihin sa iba, sa'yo nakasalalay ang buhay ko."

"Hindi ko sasabihin kung aaminin mo sa'kin kung talaga bang may gusto ka sakanya."

"Hindi ko nga siya gusto. Yes, g'wapo siya and attractive, mabait at masipag din. Pero I only see him as my friend. Iyon lang 'yon. Tapos ang usapan." confident kong sagot sa kanya.

Mahina siyang natawa. "Talaga, ha? Hindi mo talaga siya gusto?"

Ilang beses akong tumango. "Yes! Hindi ko talaga siya gusto!"

"Paano kapag nagkaroon na ng girlfriend si Xien? Or kapag sinabi niya sa'yong may liligawan na siyang ibang babae. Anong gagawin mo?" tanong niya.

I sighed. "Susuportahan ko,"

Bawat Piyesa (Munimuni Series #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora